• Home
  • Archive
  • Random
  • Mobile
  • Feed
  • Ask
  • Submit

me Dear DJ Bono

    following following following following following following following following following following following following following following following following following following following following following following following following following
    cd
      Thematticus theme by Anthagio.
      Back To Top
      The Official BlogStation of Campus Love Stories. CLS.

      CLS is an FM Radio Program since 2001 airing over 89.3 FM Campus Radio in Tuguegarao City, Philippines. This program is created and hosted by Dj Bono; 89.3 FM's Program Director.

      CLS owes its success to its listeners and letter senders who made the program undisputed number one in ratings since 2001.
      Zoom
      • audio
      [Flash 9 is required to listen to audio.]
      No information specified.
      E-Len's Love Story Plug. June 3, 2012
      No information specified.
      CLS12 Collection
      No information specified.
      Giovan & Mommy Orga
      164
      Plays

      E-Len’s Love Story Plug. June 3, 2012

      05.29.12

      Rochelle’s Love Story. May 27, 2012

      Dear DJ Bono,

       

                      Magandang hapon sa lahat and Happy Valentines Day. February 14 po ngayong sinisimulan kong sulatin ang salaysay ng aking buhay at pag-ibig. Alam kong hindi ko matatapos ito ngayon pero gusto ko lang matandaan ninyong ngayong araw ng mga puso ng taong 2012 ako naglaan ng panahon para magsulat.

       

                      Araw ng mga puso ngayon. Pero anong klaseng puso ba ang nagdidiwang ngayon? Ang mga pusong sawi? Bigo? Sugatan, gaya ko? Mga pusong nagsisisi at puno ng galit? Bahagi ba ang mga pusong ito ng pagdiriwang?

       

                      Ako si Rochelle, may pusong duguan at ito ang pinakamalungkot na Valentines Day ng buhay ko. My life is in a total mess. I’m with my family now. I’m safe….pero ang isip ko at puso,..sobrang gulo pa rin sobrang lungkot, sobrang dilim ng buhay ko. Hindi ko inasahan ang darating ako sa point na ‘to and I would come to a Valentines Day, crying endlessly because of emotional pain.

       

      PLAY>S1                             Valentine        Jim Brickman

       

       

      CLS-02

                      It’s true that you can never predict life. Noong teen-ager pa ako, napaka-normal ng buhay ko. I can even say na masaya at kontento ako. I graduated as Valedictorian sa Catholic School sa amin but I did that without too much effort. Basic lang; pumasok every school day, makinig mabuti sa teacher. Sa bahay, review ng lessons or advance study bago matulog. The following day, pasok ulit sa school, makinig sa teacher. Magparticipate sa klase with smile. Ganon lang.

       

                      Si Athena ang laging second, at siya din ang Salututorian. Pero alam naming nagpursige si Athena para talunin ako. Matalino si Athena, it runs in their family ang matatalino at sikat sa bayan namin. Maganda rin si Athena kaya lang diyahe ang salamin niya sa mata. Lalo siyang nagmumukhang suplado at mahirap i-approach. Kaya noong tumakbo siya bilang president sa Student Body, hindi siya nanalo. Pero sa totoo lang, deserving sana niyang maging pangulo kasi matalino talaga siya.

       

                      Pangalan pa lang diba? Athena, the greek goddess of wisdom, warfare, battle strategy, heroic endeavour, handicrafts and reason.

       

                      May hindi ako makakalimutang debate namin ni Athena sa klase. About ‘Live In’ ng magkarelasyon to test their compatibility. Ako ang nakabunot ng ‘con’ or yung against at si Athena ang ‘pro’ o yung sang-ayon sa ‘Live-In’. Magaling sa ganon si Athena at nahihiya naman akong matalo o mapahiya sa klase kaya nag-reseach ako ng konti. Nag-stick lang ako sa moral side ng premarital sex and I stressed a part of the bible kasi nga nasa  Catholic School kami. First Corinthians 7:2;  “But because of the temptation to sexual immorality, each man should have his own wife and each woman her own husband”. Basically, hindi mo matatawag na wife or husband mo ang isang tao kung hindi kayo kasal at kapag nagsama kayo na hindi kasal, matagawag kang ‘immoral’. So ang tirada ko kay Venus noon;

       

                      “Will you represent immorility in this issue?” Napanganga na lang si Venus noon. Idinagdag ko pa bilang conclusion ang Hebrew 13:4; “ Let marriage be held in honor among all, and let the marriage bed be undefiled, for God will judge the sexually immoral and adulterous.”

       

                      After ng klase, narinig ko sa mga chismosa sa class na umiyak si Athena sa CR dahil masyado siyang napahiya at na-disappoint sa sarili niya sa nangyaring debate. Naawa ako sa kaniya noon. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero hindi kasi siya approachable talaga. Namimili siya ng kaibigan, kaya hinayaan ko na lang.

       

      PLAY>S2                            CLSBed:Happy Flute 

       

       

      CLS-03

                      Sa pagkakaalam namin ni Chara na bestfriend ko, lahat ng kapatid at pinsan ni Athena ay sa Manila o Baguio nagka-college kaya naman nagulat kami ni Chara noong bigla na lang naming makita si Athena sa school kung saan kami nag-enroll dito sa Tuguegarao. Pasensiya na lang po kung pipiliin kong huwag nang banggitin ang aming school.

       

                      Nakasalubong namin siya at binati pa nga namin pero tipid ang smile niya sa amin. And as days go by, nalaman din namin ni Chara na kapareho namin siya ng kurso. “Tuloy ang competition ninyo ni Athena!” Narinig kong sabi ni Chara pero sabi ko;

                     

                      “Walang competition Cha, kahit noon hindi ko itinuring na competition ang sa amin ni Athena…”

                      “Sabagay…” Sang-ayon ni Chara kasi kilala niya ako. Hindi ako masyadong nag-i-effort para manalo dahil alam niyang mas gustong nag-e-enjoy lang sa mga ginagawa ko.

       

                      Alam din niyang never akong nagka-boyfriend noong High School kasi na marami akong masugid na manliligaw at nakakatanggap ako ng mga cards at bouquet of red roses kapag Valentines Day. Hindi naman ako suplada, pero nasa tradisyon ng aming pamilya ang ‘aral muna, bago love’. Nagkaka-crush ako  noong High School ako, actually si Vincent ang pinakagusto ko at makulit siyang manligaw pero hindi ko lang kasi ninu-nurture yung feelings na kilig kaya naiwasan ko ang tuluyang ma-fall for Vincent. Ganon lang naman talaga ‘yun eh, kung ayaw ng isip mo at desidido ka, maiiiwasan mo.

       

                      Kaya lang noong 2nd year na kami sa college, nakilala ko si JC. Cute, maganda ang mata at matamis ngumiti at lagi siyang may dalang drum stick, yung stick na ginagamit sa  music instrument na drums. Ang minsan, nag-invite siya sa kanilang Prayer Meeting. Noon ay napanood kong tumugtog at kumanta si JC, at habang nag-drums siya, malalakas din ang pagtambol ng puso ko.

       

                      That moment when we all prayed, nakikita ko pa rin si JC kahit nakapikit ang mga mata ko. I was going along with the prayer, pero iba ang sinasabi ng isip ko kay Lord. I was saying; “Lord,…I think I’m in love….”

       

      PLAY>S3                            God Will Make A Way         Don Moen

       

       

      CLS-04

                      Noon nagsimula yung mga gabi na hindi ako kaagad nakakatulog kasi ka-text ko si JC. Hindi pa siya nanliligaw but he said, masaya siya kapag kausap niya ako and I’m feeling the same way pero hindi ko sinasabi sa kaniya. Gusto ko pa ring mag-stick sa aming old family tradition; “Aral muna before love’. Nilalabanan ko ang feelings ko.

       

                      Unfortunately, narealize ko na may nabago sa buhay ko since ma-inlove ako kay JC. Yung time na dapat ini-spend ko sa pag-aaral bago matulog, nawala na ‘yun kasi nagtetext na lang ako. At noong matapos ang school year, nakalagay sa harap ng Deans Office ang pangalan ng mga Dean’s Lister. Nakita ko ang pangalan ni Athena, Number 3 siya. Ang pangalan ko, wala.

       

                      And on that same day na nakatitig ako  sa Dean’s List, dumaan sina Athena at Mitch. For the first time, binati ako ni Athena. “Hi Rochelle!” sabi niya with smile.

       

                      “Hi! Congrats!” sagot ko. Ngumiti lang siya at nagandahan ako kay Athena that day kasi wala na siyang salamin sa mata. Pero sabi ni Chara, naka-contact lenses na raw si Athena, yung mga grado na contacts. Si Mitch na barkada niya, sobrang ganda at napaka-sophisticated. Alam ni Chara na napapatitig ako kay Mitch kapag nakikita ko siya. Sabi ko nga minsan kay Chara; “Kung naging lalaki lang ako, liligawan ko si Mitch!” Pero ang sagot ni Chara;

       

                      “Kaso kung naging lalaki din si Athena, naunahan ka na niya kay Mitch…kasi close na sila!” Tumahimik na lang ako kasi alam ko na kung ano ang point ni Chara, competition nanaman sa amin ni Venus. Pero may totoong boyfriend si Mitch, isang guwapo, matangkad at mayamang ka-department din namin. Siya si Heran. Lagi kasinig naka-angkas si Mitch sa sports motorcycle ni Heran at kahit sa loob ng campus, lagi silang magkakasama. Si Atena, si Mitch at si Heran. Iba ang level nila. Sila ang laging tinitingnan ng mga tao.Para silang celebrity.

       

                      Pero noong 3rd year na kami, nagulat na lang ako kasi classmate namin ni Heran. Sa harap kasi kami nakaupo ni Cha,while si Heran ay sa likod. Lagi namin siyang pinapakiramdaman. Naghihintay kami lagi na magsalita siya, gumawa ng eksena para magpa-impress. Pero nabigo kami kasi nalaman namin na si Heran ay tahimik at simple lang ang ugali. Kinilig kami ni Chara dahil sa natuklasan naming ugali ni Heran, pero disappointed kami kasi lagi pa rin silang magkasama ni Mitch.

       

      PLAY>S4                            CLSBed:Fur Elise

       

       

      CLS-05

                      Then nagkaroon ng group project sa isang subject namin. Wish namin ni Chara noon na sana ka-grupo namin si Heran. Kaso, hindi ‘yun nangyari kasi noong bunutan ay absent si Heran at nakumpleto na rin ang group namin. Ako ang naging leader kasi ako ang pinili nila.

       

                      That same day na nabuo ang grupo namin ang birthday naman ni JC so nung evening na pagkatapos ng klase ay susunduin kami ni JC sa gate ng school. So naghintay kami ni Chara sa gate nung mapadaan bigla ang motorsiklo ni Heran at naka-angkas doon si Mitch. Kaso, huminto si Heran at bumaba saka lumapit sa amin.

       

                      “Can I join your group on the group project?” deretsang tanong niya. Nagkatinginan kami ni Chara pero ako ang sumagot.

       

                      “Kumpleto na kami eh…”

                      “But our professor says I can choose any group and I choose yours…” Sabi ulit niya. Matatas siyang magsalita at fluent talaga.

       

                      “OK…” Sagot ko na lang.

                      “Thanks!” Nakangiting sabi niya saka bumalik sa motorsiklo niya. Napahawak kamay kami Chara saka kami kinilig ng sobra pero paglingon ko sa lalaking nasa malapit, nakita ko si JC at nakatitig sa akin. Iba ang expression ng mukha niya. I know na disappointed siya sa nakita niyang kilig namin ni Chara matapos kaming  kausapin ni Heran.

       

      PLAY>S5                            Mahal Kita, Mahal Mo Siya        Sharon Cuneta

       

       

      CLS-06

                      Masaya sa birthday ni JC that night. Marami siyang handa at mababait ang mga pinsan niya at mga friends niya. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ‘yung biglang pagtatapat ni JC ng feelings niya noong ihatid na niya kami ni Chara sa aming boardinghouse.

       

                      “Thank you Chelle…” Sabi niya noong nasa gate na kami ng kasera.

                      “Ako nga ang dapat mag-thank you. Masaya ang birhtday mo JC…” Sabi ko.

                      “Gusto ko pa ring mag-thank you kasi nag-attend kayo,…and I want to thank you kasi…hindi ako magiging masaya kung wala ka sa birthday ko….”

                      “Talaga? Thank you din for inviting us….”

                      “Rochelle,…may gusto akong sabihin. Matagal ko na gustong sabihin ito pero wala lang akong lakas ng loob…mahal kita Rochelle….” Natitigan ko sandali si JC pero hindi ako nakapagsalita.

                      “Patutunayan ko sa’yo na mahal kita. Gagawin ko lahat para maging karapat-dapat ako sas’yo…” Narinig ko pang sabi niya. Sincirity sa guwapong mukha ni JC ang nakita ko pero walang salitang lumabas sa bibig ko. First time kasi ang pangyayaring ‘yun sa buhay ko na ang isang lalaking mahal ko din ay nagtapat ng saloobin niya sa akin.

                     

                      “Hindi naman ako nagmamadali Chelle,..maghihintay ako sa sagot mo….” Sabi pa niya.

                      “OK JC. Nagulat lang talaga ako, that means hindi pa ako ready….”

                      “Pero Chelle,..may feelings ka rin ba para sa akin?”

                      “You’re a nice guy JC. I,..I adore you pero hindi pa ako ready sa relationship. I have my personal reasons kaya sana maunawaan mo….”     

       

                      “Of course nauunawaan ko Chelle. At maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na….”

       

      PLAY>S6                            Sanay’ Ako Na Lang      Six Part Invention

       

       

      CLS-07

                      Noong first meeting ng grupo namin for our group project, na-conscious ako bigla as the leader. Bigla ko na lang sinabi kay Chara na gusto kong iba na lang ang maging leader. Si Heran na lang. Sa I spoke before the group at tinanong ko sila kung OK lang na si Heran na lang ang maging leader namin. Napatingin sa akin si Heran pero ang mga kagrupo kong mostly ay babae ay sang-ayon. Kaso nag-oppose si Heran. Ang sabi niya;

       

                      “Sabi ng professor, ang basis sa pagpili ng leader is kung sino ang may pinakamataas na grade, at ikaw ‘yun Rochelle that means hindi puwedeng ako….”

       

                      “Kakausap ko si Maam…”

                      “But why me?” Tanong niya sabay lapit sa akin. “I’m not even orginally a part of this group….”

                      “Well, I know you can lead this group better than I do Heran. So please, huwag ka nang mag-oppose. Just be our leader….” Tinitigan ako sandali ni Heran noon. Pagkatapos ay bumalik siya sa puwest niya. Naramdaman ko ang paghawak ni Chara sa braso ko. Nagkangitian kami. Kilig ulit kami pero hindi kami tumili.

       

                      Nangyari nga ‘yun. Pumayag ang professor namin pero kinailangan kong tanggapin sa kaniya na hindi ko kayang i-lead ang grupo at sinabi ko pang mas kaya ni Heran ang maging leader namin.

       

                      Matalino naman si Heran at pinakikinggan namin siya kasi sa tuwing magsasalita siya, tumatahimik ang lahat. Untill sinabi niyang sa bahay nila kami gumawa ng projects namin and that was fun dahil ang laki ng bahay nila at mga katulong at isang Tita lang niya ang nakatira doon.

       

                      Kalat daw ang pamilya niya. May nakatira sa Manila, meron sa Baguio at meron din sa Santa. Ana, Cagayan. Sa lahat ng mga places na nabanggit ay may bahay sila. Mayaman ang pamilya nila kaya naman lalo pa kaming nailang ni Chara sa kaniya. Hindi namin talaga siya ka-level. Isa pa, hindi siya palabiro. Lagi siyang seryoso pero hindi naman masungit. He listens before he makes a rule.

       

                      May kulay na upuan, monoblock at iyon ang gustong-gusto kong upuan sa terrace ng bahay nila kapag gumagawa kami ng project. Nung sumunod na araw, wala ang red na upuan. Tinanong ko si Heran kung nasaan. Hindi siya sumagot. Umalis siya pero pagbalik niya, hawak na niya ang red na upuan.

       

                      “You like red?” tanong niya. Tumango lang ako. At nung sumunod na meeting ng grupo was Sunday, nag-suot ako ng kulay red na blouse na may ruffles. Iba ang tingin sa akin ni Heran noon. Para siyang nasisilaw at bahagyang nakasimangot. Tapos, umupo pa ako sa kulay red na monobloc, pansin kong iniiwasan niyang tumingin sa akin samantalang ang mga kasama namin, pinupuri nila ako. Bagay daw sa akin ang red.

       

      PLAY>S7                            Lady In Red      Chris De Burgh

       

       

      CLS-08

                      Kapag nagbibiruan kami, nakikingiti lang siya pero hindi siya sumasali. Hanggang sa mahihiya na kami sa kaniya kaya balik na kami sa trabaho. Nakakailang talaga siya. Mahihiya ka kapag kasama mo siya. So yung tanong ni Chara kung in-love ako kay Heran, ang sagot ko ay ‘hindi’. Hindi dahil kung may special man akong feelings para kay Heran, iyon ay hindi love kundi paghanga. Parang paghanga sa isang paboritong artista. Ganon lang. Puwede mong mahalin, pero hindi puwedeng asahan na mahalin ka niya dahil iyon ay imposibleng mangyari.

       

                      Imposibleng mangyaring mahalin ako ni Heran. Hindi ko siya ka-level, yun ang paniwala ko pero nagkamali ako. Kaya nga hindi ako makapaniwalang noong sumapit ang Valentines Day, gabi na noong matapos ang klase namin pero hindi namin ka-klase si Heran sa subject na ‘yun. Palabas na kami ni Chara ng classroom nang humarang si Heran at isang napakalaking bouquet ng maraming white roses ang inaabot niya sa akin. Sobrang gulat ako, as in I can imagine my self na nakanganga sa harap niya.

       

                      “This is for you…” Narinig kong sabi niya. Mata lang niya ang nakangiti pero hindi pa rin kumilos ang mga kamay ko para tanggapin ang mga bulakalak. Hindi ako makapaniwala. Sa totoo lang, gusto pang isiping panaginip lang ‘yun….but it was so real….

       

      PLAY>S8                            Talaga Naman        MYMP

       

       

      CLS-09

                      Hindi pa natapos ang gabing ‘yun with the bouquet.

                      “Isasama ko kayo sa dinner, kung OK lang sa inyo…” Narinig kong sabi ni Heran sa amin ni Chara.

                      “No!” mabilis kong sagot kasi ayaw kong umangkas sa motorsiklo niya.Nakakahiya ‘yun para sa akin kasi alam ng lahat na si Mitch ang inaangkas niya dun then all of the sudden ako na?

       

                      “Why not?” narinig kong tanong niya.

                      “Hindi ako sumasakay sa single motorcycle…”

                      “I know,  that’s why I brought a car…’ Sagot niya sabay turo ang kulay itim na kotse sa parking lot. Nagkatinginan kami ni Chara pero sa mga mata namin ay may pagkakasundo na sasama kami.

       

                      Sa restaurant ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako nagtatanong kasi, mas gusto kong isipin na…friendly date lang ‘yun on a Valentines Day. Pero dumada bigla si Chara.

       

                      “Ahmmm Heran, matanong ko lang. Bakit hindi sina Mitch at Athena ang isinama mo? Bakit kami? Bumaba na ba ang taste mo?” Agad namang sumagot si Heran.

       

                      “Bumaba ang taste? No! Don’t say that!”

                      “Eh bakit nga hindi sila,..o siguro after this sila naman ang makakasama mo?” ako naman ang nagtanong. Pero sinulyapan muna ako ni Heran bago sumagot ng;

       

                      “Mitch,…is now my ex….”

                      “Ex?!” malakas na ulit ni Chara.

                      “Yes. We’re over…and I just don’t want to let any Valentines Day pass by without a date. So I invited you,..especially you Rochelle…”

       

                      “But why me?” Noon ay tinitigan niya ako sabay sagot ng;

                      “Because I know,..that I am now,…finally in-love….” Napanganga ulit ako sa narinig kong sinabi niya. Napakunot noo pa ako kasi sa malabo sa pang-unawa ko ang sinabi  niya.

       

                      “Finally in-love?” narinig kong ulit ni Chara na halata ding naguluhan.

                      “It’s hard to explain,..basta nararamdaman ko iba ka Rochelle. Hindi pa ako nag-isip ng sobra sa isang babae before, like you know…there are nights that I just can’t sleep and I see your face in dark, even when my eyes are closed, you’re there….and everytime I hear love songs….I remember you…I don’t know Rochelle…but the thought of your always make me crazy…” Noon ay hinayaan kong titigan niya ang mukha kong namamangha.

       

                      “In the morning when I wake up,..nakatingin ako terrace namin sa likod…and I’m imagining you na nandun ka, sitting on that bloody red chair…..Rochelle,..i can feel it. Gusto kong maging bahagi ako ng buhay mo….” Noon ay biglang nag-excuse si Chara. C-CR lang daw.

       

                      “Don’t you like me?” tanong ni Heran.

                      “Heran,…masyado lang mabilis ang mga pangyayari. Like,..kelan ba kayo nag-break ni Mitch? Bakit nanliligaw ka kaagad? Ganon ka ba kabilis? Ayaw mo man lang bang mabakante kahit sandali?”

       

                      “Nagbreak kami ni Mitch dahil sa’yo, kasi the very first time na makasama kita,…iba na ang feelings ko. You started amazing me the first day,…and everyday onwards I see you someone so amazing and so lovely…and I can no longer pretend that….gusto ko pa rin si Mitch. Noong makilala kita, bigla ko na lang naisip na…ano ba ang silbi ni Mitch sa buhay ko? And I began asking myself kung bakit….wala kay Mitch ang mga katangian na meron sa’yo? Yung mga katangian na…nararamdaman mo ang value deep in your heart…until I realized that I had Mitch only because of her pretty face….and I don’t need that because what I need is someone who can appreciate me not for who or what I am,..but for what I can become…

       

                      “I’ve been observing your natural ways Rochelle. Noong sabihin mo na ako na lang ang maging leader ng grupo, nagulat ako. For the first time in my life,…may taong nagtiwala sa kakayahan ko and I can never forget that, I can never forget you…..”

       

                      Nanatili akong tameme nung sandaling ‘yun.

                      “Rochelle. Puwede ba kitang maging girlfriend? I promise,..igagalang kita, irerespeto, mamahalin….” Nakatutok sa mga mata ko ang mga expressive eyes ni Heran noon, pero nangangatog ang baba ko and I wasn’t able to say a word.

       

                      “I’m sorry kung masyado akong naging mabilis. OK,..dahan-dahanin ko Rochelle. But at least now you know what I exactly feel for you. I love you….”

       

      PLAY>S9                            I Love You      Stick Figgas

       

       

      CLS-10

                      Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising pa ako. Noon ko rin lang nalaman na nagsasalita pala si Chara kapag tulog. Mahilig magpuyat si Chara sa pagtetext pero that night talagang naunahan pa niya akong matulog. Bandang alas dose na ng madaling araw noong mag-good night si Chara pero alas diyes kami nagsimulang magkuwentuhan tungkol sa nangyaring Valentines Date namin with Heran. Matamis ang ngiti ni Chara kasi para daw fairytale ang nangyari sa akin. Pareho na kaming 3rd year ni Chara noon, pareho kaming 19 years old at ganap na kaming dalaga para ma-amuse sa fairy tale. At 19, alam kong may sapat na aking maturity para balansehin ang mga bagay bagay kahit na kulang pa ako sa karanasan sa pag-ibig.

       

                      Oo, nakakakilig ang mga ginawa at sinabi ni Heran pero tama bang maniwala ako kaagad at magpaapekto kaagad? Tama bang magpatangay ako sa bugso ng damdamin ko? Inisip ko si Mitch. Hindi ko kilala si Mitch personally. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakausap o nakasama. Pero sa itsura ni Mitch alam kong hindi siya tanga. Hindi rin siya yung tipo ng babaeng puwedeng paglaruan kahit pa ng isang kagaya ni Heran. Sila nga ang magkabagay eh, sila ang match.

       

                      Nagkaroon tuloy ako ng curiousity noon kay Mitch. Ninais ko siyang makausap pero alam kong mahirap gawin ‘yun kasi isa pa siyang nakakailang. Hindi ko siya ka-level at natatakot akong ma-isnab or malait kapag tinangka ko siya lapitan.

       

                      Hindi naman ako pangit at hindi naman ako mahirap. Katamtaman lang. Pero hindi kasi ako sosyalerang kagaya nila ni Athena. Inisip ko rin si JC. Honestly, may puwang na sa puso ko si JC. Noong madaling araw na ‘yun minimiscall ko si JC. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong marinig ulit ang mga salitang sinabi niya sa akin, na mahal niya ako.

       

                      Si JC ang, totoo. I mean makatotohanan siya. Siya ang realidad samantalang si Heran,…para siyang panaginip lang. Sana maunawaan niyo ang gusto kong sabihin. Iba si Heran, para siyang pangarap lang samantalang si JC, siya ang makatotohanan dahil siya nasa lebel ko. Ilang beses nag-ring ang CP ni JC pero dahil nga sa alas tres pa lang ng madaling araw, hindi niya ito sinasagot.

       

                      Hanggang sa nakuha ko na ang antok ko kaso biglang nagring ang phone ko. Sinagot ko ito ng hindi ko tinitingnan kung sino ang tumatawag dahil pagod na ang mata kong kanina pa dilat. Si JC ang inasahan kong tumatawag pero nagkamali ako.

       

                      “Did I wake you up?” tanong niya. Si Heran.

                      “No. Gising pa ako….” Sagot ko

                      “Hindi pa rin nakatulog? Bakit?”

                      “I don’t know Heran….”

                      “Siguro kasi…iniisip kita….” Narinig kong sabi niya. “Totoo pala ‘yun,..hindi ka makatulog kapag iniisip ka ng isang tao…..Sige, matulog ka na. Hindi na kita iisipin….”

                      “Heran….”

                      “Yes…”

                      “Wala. Sige,..tulog na tayo. Umaga na eh….”

                      “I love you Rochelle…..” Hindi ako sumagot.

                      “You don’t have to say you love me too Rochelle. Just smile and say,…thank you!”

                      “OK, thank you Heran….”

       

      PLAY>S10                          If You Asked Me To       Angeline Quinto

       

       

      CLS-11

                      Sinundo ako isang gabi ni JC para mag-attend sa kanilang prayer meeting. Gaya ng dati, nasa akin ang kagustuhang umanib sa kanilang relihiyon pero alam kong hindi madali yun dahil kailangan ko pang kausapin ang parents ko tungkol ‘dun at kilala ko si Papa, hindi siya madaling sumang-ayon.

       

                      “Kumusta na yung sinasabi ko sa’yo?” pasimpleng tanong ni JC noong nag-aabang kami ng sasakyan. Sinulyapan ko lang siya at nginitian.

                      “May pag-asa ba ako?” tanong ulit niya.

                      “JC,..hindi ko alam.”

                      “May iba ka bang gusto?” tanong ulit niya. Hindi ko ulit siya nasagot.

                      “Yung guwapong maputi at matangkad….” Narinig ko pang sabi niya. Si Heran ang tinutukoy niya kasi nakita na niya minsan si Heran sa gate ng school.

                      “Nanliligaw ba ‘yun sa’yo?” tanong ulit niya. Yun ang sinagot ko.

                      “Oo, JC. Nanliligaw si Heran sa akin…”

                      “Gusto mo ba siya?” tanong ulit niyang nakangiti pa rin.

                      “Hindi ko rin alam eh….”

                      “Huwang mong i-pressure ang sarili mo Rochelle. Kung sino man sa amin ang piliin mo, OK lang sa akin. Basta kung kanino ka masaya,..susuportahan kita…”

                      “Hindi nga…”

                      “Oo naman. Ang puso, hindi pinupuwersa. Kaya kung sinong mahal mo sa amin,..siya ang piliin mo…”

                      “Ang bait mo naman JC…”

                      “Hindi naman. Naniniwala lang kasi ako na mas tatakbo ng matino ang isang relasyon kung hindi pinilit ang puso….” Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa mukha ni JC noon.

                      “Oh, bakit?” tanong niya nang mapansin niyang tinititigan ko siya.

                      “Wala. Para kang anghel,..ang bait mo kasi….” Sabi ko.

                      “Akala mo lang ‘yun Rochelle. May sungay din ako kala mo ba,…isa!” sabi niya saka tumawa. Nasakyan ko ‘yun kaya’t tumawa din ako. Pero sa likod ng tawang ‘yun ay bahagyang pagkatuliro, dahil ramdam kong hindi magtatagal ay kailangan ko nang pumili sa kanilang dalawa. Si Heran? O si JC?

       

      PLAY>S11                           CLSBed:Fur Elise

       

       

      CLS-12

                      Dumaan pa ang mga araw, nagawa kong ipagpaliban ang pagdedesisyon kung sino kina JC at Heran ang sasagutin ko. Sa totoo lang, mahirap mamili sa kanila. Pareho silang guwapo. Ang pagkakaiba lang nila, mayaman si Heran at seryoso at sa pagdaan ng bawat araw ay hindi ko pa rin masabing kilala ko na siya. Nanantili siyang misteryoso. Yung tipong parang may itinatago siya. Hindi ko lubusang mabasa ang kaniyang ugali at pagkatao. Si JC naman, palabiro, masayang kasama. Yun nga lang, hindi siya mayaman. Hindi naman mahirap pero wala siya kung ikukumpara kay Heran.

       

                      Sumapit ang bakasyon after 3rd year college. Kinailangan namin mag-summer ni Chara noon dahil may mga pre-requisites para sa 4th year subjects. Si JC, nagbakasyon sa Mindoro kasama ang pamilya niya pero hindi naman lumulubay sa pagtetext.

       

                      Si Heran ang lagi kong kasama noon at siya ang nag-imbita sa akin sa isang birthday party ng kaibigan niya sa Ugac Norte. Sosyal ang party kasi debut. May mga oras nga lang na feeling ko out of place ako, yun ay kapag iniiwan ako ni Heran para makipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya.

       

                      Noong pauwi na kami, nakaramdam ako ng kakaiba kay Heran. Para siyang galit. Tahimik at medyo nakasimangot.

                      “Are you OK?” tanong ko noong bago ako sumakay sa kotseng dala niya. Hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang pinto, sumakay ako. Pumasok siya sa kabilang pinto. Hinawakan ang manebela pero hindi naman pinaandar. Narinig ko siyang huminga ng malalim habang nakatingin sa malayo. Then, nagsalita siya.

       

                      “Sino si JC Carpio sa buhay mo?” tanong niya. Nagulat ako at hindi ako nakaimik kaagad.

                      “Tell me Rochelle. Sino si JC Carpio sa’yo?”

                      “Suitor…” Sagot ko. Noon pa lang siya tumingin sa akin.

                      “Suitor?..nakipag-sex ka sa suitor mo?”

       

      PLAY>S12                          Koryx [4]

       

       

      CLS-13

                      Sobra ang pagkagulat ko sa narinig kong ‘yun kay Heran. “Nakipagsex ka sa suitor mo?” umugong ‘yun sa utak ko.

                      “Kanino mo naman narinig ‘yan Heran. I never had sex with anyone….” Sabi ko.

                      “It doesn’t matter Rochelle. Hindi rin naman ako virgin eh, I don’t expect you to be virgin. Ang gusto ko lang,..wala akong kaagaw. So kung si JC Carpio ay boyfriend mo,…and you choose him, it’s fine with me…”

       

                      “Nanliligaw lang si JC sa akin at walang nangyari sa amin!”

                      “You don’t need to lie Rochelle!”

                      “Hindi ako nagsisinungaling at puwede ba Heran, kung wala kang tiwala sa akin at kung kani-kanino ka naniniwala, mabuti pang mag-iwasan na lang tayo!” Ito ang galit kong sabi pero ang sagot niya;

       

                      “Huwag mo akong daanin sa galit-galitan mo Rochelle. Again, I’m telling you that I don’t care kung may nakakuha na sa’yo. We are in the modern world and I don’t care about conservative people…I love you for who you are and for whoever you are. Just tell me now,..do you love me too?”

       

                      “Ewan Heran. Gusto ko nang umuwi…”

                      “You don’t love me?”

                      “Just send me home o magta-tricycle na lang ako….”

                      “Rochelle, I’ve been waiting for 8 months now. Hindi pa ako nanligaw ng ganito katagal, what else do you wan’t me to prove to you?”

       

                      “That you at least trust me Heran. Wala kang tiwala sa akin…kung kani-kanino ka lang naniniwala. Paano kita sasagutin?”

       

                      “I didn’t say na naniniwala ako sa kanila. Pero ano bang point mo at pinaghihintay mo ako ng matagal sa panliligaw ko sa’yo?”

                      “At din ba ang point mo Heran, bakit gusto mong maging tayo na?”

                      “My God Rochelle,…akala ko matalino ka? I love you. Yun lang ang point ko, mayroon pa bang ibang reason kung bakit gusto kong maging tayo? I just love you…yun lang ‘yun! Now I want to hear from you, do you love me?” Pasigaw niyang tanong.

       

                      “Yes, I love you!” sigaw ko rin!

       

      PLAY>S13                          I Love You      Charice

       

       

      CLS-14

                      Madaling araw na ulit noon, gising pa ako at iniisip ko kung gaano ka-weird ang naging pagsagot ko kay Heran. Oo kapuso, sinagot ko siya sa loob ng kaniyang kotse sa tapat ng bahay ng kaibigan niyang !” nag-debut. Sinagot ko siya matapos kaming magdiskusyon at magtalo.

       

                      “Yes, I love you!” Sigaw ko rin sa kaniya. Napapailing ako kapag naaalala ko. First boyfriend, ganon ang pagkakasagot?

       

                      Si JC naman, ilang beses ko nang tinetext pero hindi nagrereply. Inisip ko na lang na guilty si JC. Totoong ipinagkalat niyang nakuha na niya. May isang text ako sa kaniya na pinagsisihan ko. Dala lang yun ng galit ko dahil sa hindi niya pagrereply. Ang sabi ko; “Akala ko pa naman maka-Diyos ka. May paprayer-prayer meeting ka pa? Yun pala hayup ka. Sinungaling!”

       

                      Pinagsisihan kong na-send ko sa kaniya ang text na ‘yun. Kinaumagahan, nakagisnan ko ang text ni JC. “I’m sorry, but I swear, hindi ako ang nagkalat ng balitang ‘yun…”

       

                      “Kung hindi ikaw, sino?” text ko sa kaniya.

                      “Hindi na importante kung sino. Just forgive me if you can…” Ako naman ang hindi nagreply. Madali sa akin ang magpatawad pero hindi pa ako ready, not after the trust that I gave him. Akala ko matino at mabait siyang lalaki, ‘yun pala hindi.

       

                      I just felt regretful kasi nakilala ko siya. But as I thought over the issue, may bagay akong dapat ipagpasalamat kay JC. Natulungan niya ako para mag-decide na tanggapin na si Heran. So, nakapasok na nga ng tuluyan sa buhay ko si Heran bilang may first ever boyfriend.

       

      PLAY>S14                          A Thousand Years       Christina Perri

       

       

      CLS-15

                      4th year, first semester noong ma-ospital si Mama sa Saint Paul. Kami ni Papa ang nagbantay. Alam ni Heran na nasa ospital ako pero hindi ko inaasahang siya ang iluluwa ng pinto ng kuwarto ni Mama sa ospital. Nagulat ako kasi si Papa pa ang nagbukas. May dalawang fruits si Heran noon.

       

                      “Sino ka?” tanong ni Papa sa kaniya. Mabilis na inabot ni Heran ang kamay niya kay Papa sabay sabing;

                      “I’m Heran,..boyfriend of Rochelle!” Halos sabay sina Mama at Papa sa pagtitig sa akin. Hindi ako nakapagsalita noon. Hinila ko si Heran sa labas.

       

                      “Anong ginawa mo? My goodness Heran, bakit ka nagpunta dito without telling me?”

                      “What’s wrong? I just wanna see your Mom!”

                      “Hind nila alam na may boyfriend na ako at hindi pa nila dapat malaman. Ikaw naman kasi, susugod-sugod ka!”

                      “Well I’m sorry pero….i don’t understand. Bakit nilang may boyfriend ka?”

                      “OK,..nasabi mo minsan that you don’t care about conservative people,..well, meet my family and we are conservative people!”

                      “You are?”

                      “Yes we are and you just put me into mess sa pagsugod mo dito!”

                      “Well,..i’m sorry. Hindi mo nasabi sa akin na dapat mo akong itago sa family mo…” Nakonsensiya ako sa sinabing ‘yun ni Heran. Umalis siyang hindi na nagpaalam sa parents ko at noong pumasok ako sa kuwarto ni Mama;

       

                      “Gusto mo na ba akong mamatay Rochelle?” ito ang tanong ni Mama.

                      “I’m sorry ‘Ma…”

                      “Dito pa sa ospital Rochelle. May sakit ang Mama mo, gagawa ka ng ganon?” Madiing sabi ni Papa.

                      “I’m sorry ‘Pa….”

                      “Sorry? Sinira mo ang tiwala namin sa’yo. Akala namin nag-aaral kang mabuti? Yun pala nakikipagboyfriend ka?”

                      “Wala naman po akong ginagawang masama. Saka bago lang kami ni Heran….”

                      “Hindi ka na nahiya sa mga Ate mo na nagpapaaral sa’yo. Hindi sila ganiyan. Nakipag-boyfriend lang sila noong mga professionals na sila!” Noon ay nanahimik na lang ako. Marami pa silang sinabi sa akin pero puro sorry na lang ang isinagot ko.

       

                      Hindi ako nagalit kay Heran. Lalo ko pa siyang minahal at kung nagalit man ako, dahil ‘yun sa bulok na tradisyon ng pamilya. Bakit kailangan kong tularan ang mga Ate ko at mga pinsan ko? Iba ako sa kanila, at hindi dumating sa buhay nila ang mga dumating sa buhay ko.

       

                      Kinabukasan din ay lumabas si Mama ng ospital. Dumating mula sa Maynila ang dalawang Ate ko pero hindi nila ako pinapansin. Noong sasakay na rin ako sa van na pinagsakyan nila kay Mama, ang sabi ni Ate Rose;

       

                      “Daan tayo sa boardinghouse ni Rochelle. Kunin natin ang mga gamit niya. Hindi muna siya mag-aaral!”

       

      PLAY>S15                          Koryx [4]

       

       

      CLS-16

                      Para akong nanigas sa narinig kong ‘yun kay Ate Rose.

                      “Bakit naman Ate?” tanong ko.

                      “Nagtanong ka pa? May boyfriend ka na at antipatiko pa?! I-break mo siya at sa bahay ka na lang muna. Hihinto ka ng isang taon para magtanda ka!”

                      “Sakay na!” narinig kong sigaw ni Papa sa akin pero parang hindi ko kayang gumalaw. Hindi ko inaasahan na ganon kabigat ang pagtanggap ng pamilya ko sa nagawa ko. Umiiyak ako sa van noon pero pakiramdam ko’y walang naaawa sa akin.

                      “Huwag ka ngang umiyak Rochelle, kasalanan mo naman!” Narinig kong sabi ni Ate Ramona at wala akong nagawa noong isakay nila sa van ang mga gamit ko. Tumulong pa naman si Chara sa pagimpake ng mga gamit ko na para bang gustong-gusto rin niyang umalis ako.

       

                      Sa van ay sinikap ko na lang tanggapin ang pagkakamali ko. Panay ang vibrate ng CP ko sa bulsa ko pero hindi ko binubuksan dahil natatakot akong pansinin ulit nila ako.

                     

                      Pagdating namin sa bahay na nasa isang compound ng buong kamag-anakan, agad naibalita ni Ate Rose sa mga pinsan ko na pinahinto nila ako dahil may boyfriend na ako. Ni hindi ko kayang humarap sa mga pinsan ko na para bang kay laki ng kasalanang nagawa ko.

       

                      Kaagad akong nag-shower noon kunwari para makita ko ang mga text message sa CP ko. Galing kina Heran at Chara ang mga text messages at maraming miscalls mula kay Heran. Sobrang worried siya. Isang text niya ang parang pumukaw sa kamalayan ko.

       

                      “If you want, itanan na lang kita. Magsama na tayo. Hindi kita pababayaan. Bubuhayin kita, ako ang magpapaaral sa’yo…” Sa totoo lang Kapuso, gusto kong magtiwala kay Heran. Mahal na mahal ko siya pero, dapat ko pang suwayin ang pamilya ko para sa kaniya? Kung hindi ko naman susuwayin ang pamilya ko,..kakayanin ko bang talikuran si Heran? Isusuko ko na lang ba siya. Kapag ginawa ko ‘yun, para ko na ring isinuko ko ang buhay ko sa kawalan.

       

      PLAY>S16                          Pusong Ligaw      Jericho

       

       

      CLS-17

                      Nakalimang araw naman ako sa bahay at nagtiis sa pagturing nila sa akin. Para akong may sakit na nakakahawa at sa bawat tingin ng pamilya ko, pati mga pinsan ko ay para silang nang-uusig. Sobra akong nabuwisit dahil sa tingin nila’y malaking kasalanan ang makipag-boyfriend.

       

                      “Sunduin ako, twelve midnight…” Ganito ang text ko kay Heran. Wala na ang mga Ate ko noon. Bumalik na sila ng Maynila. Tulog ang lahat noong buhatin ko ang bag ko matapos magtext si Heran na nasa kanto na siya. Mahigpit ang yakap ni Heran sa akin noon pero panay ang iyak ko sa kotse niya noong umalis na kami. Masakit din kasi sa dibdib ko ang gawin ‘yun sa pamilya ko.

       

                      “Sa hotel tayo matutulog, then tomorrow, maghahanap ako ng apartment…” Sabi niya. Napalingon ako sa kaniya sabay tanong;

       

                      “Bakit sa bahay niyo, hindi ako welcome?”

                      “Hindi alam ng parents ko eh. Pero don’t worry, I can manage it…” Noon ay tumahimik na lang ako. Natulog nga kami sa hotel pero, natulog lang talaga kami. He kissed me, pero sinabi ko sa kaniya na hindi pa ako handa sa bagay na higit pa sa kiss. Inunawa naman niya ako.

       

                      Kinabukasan, naghanap  nga kami ng apartment. Noong makakita kami, agad kaming lumipat at namili ng mga gamit. Noong sumapit ang lunes, pumasok kaming dalawa sa school. Marami na rin akong absences pero kaya ko pang mag-catch up. Kaya lang, biglang humarang sina Mitch at Athena sa akin isang hapon.

       

                      “Pumapasok ka pa pala?” ganito ang bungad ni Mitch.

                      “Diba nagli-live in na kayo ni Heran?” ganito naman ang sabad ni Athena. Hindi ko sila pinansin pero binuntutan nila ako.

                      “Remember noong mag-debate tayo nung High School tayo Rochelle? About sexual immorality? Ano na ngang verse yun sa bible?” Narinig ko pang sabi ni Athena pero binilisan ko ang lakad ko kaso hinabol pa rin ako.

       

                      “Mag-stop ka na Rochelle or else, makakarating sa school administration ang tungkol sa pakikipag-live in mo kay Heran!” ganito ang sigaw ni Mitch. Noon pa lang ako napahinto, at natakot. Bawal sa school namin ang live-in. Maki-kick-out ako, mabibilad pa sa kahihiyan.

       

      PLAY>S17                           CLSBed:Fur Elise

       

       

      CLS-18

                      Kinagabihan, ibinigay ko na ang sarili ko kay Heran. Mahirap ‘yun. Masakit, pero may ngiti sa mga labi ni Heran kasi nalaman niyang wala pa akong pinagbigyan ng katawan ko. Siya pa lang.

       

                      “I’m sorry for believing with those fools…” Sabi niya. Agad siyang nakatulog na nakayakap sa akin pero nanatili akong gising dahil marami akong inisip. Pati ang text ni Chara na nagpunta daw dun sina Papa sa kasera niya at hinahanap ako. Sinabi daw niyang hindi niya alam kung saan ako nakatira.

       

                      Pangalawang gabi na namin ni Heran sa apartment noon pero hindi pa ako nakakapagluto ng kahit ano. Sa labas kami kumakain lagi at alam kong hindi tama ‘yun. Kahit pa siguro mayaman siya’y mauubos naman ang savings niya dahil sa akin.

       

                      Marami akong dapat gawin at tama sina Mitch. Hihinto na lang ako. Pagsisilbihan ko na lang si Heran. So noong madaling araw, gumising ako. Inagahan kong mamalengke sa Don Domingo. Pagdating ko’y agad akong nagluto ng almusal. Pork Chop at sunny side up. Hindi perfect ang prok chop ko pero OK lang. Normal ‘yun sa hindi magaling magluto.

                     

                      Noong magising si Heran, natuwa siya.

                      “I feel like I’m really having a family of my own…” Nakatawang sabi niya sabay yakap at halik sa akin. Umupo siya sa mesa, hinila niya ako para sabay daw kaming kumain. Noon ko pa lang nasabi sa kaniya na hindi na ako mag-aaral. Nagtaka siya. Ikinuwento ko sa kaniya ang ginawa nina Athena at Mitch sa akin.

       

                      “Those bitches!” sabi niya. Pero hindi na muling nagsalita. Pagkatapos kumain ay pumasok na ng banyo. Umakyat naman ako para magplantsa ng school uniform niya. OK lang ako. Masaya pa rin ako. Humalik sa akin si Heran noong bago siya umalis para pumasok ng school. Umasa na lang ako na babalik siyang masaya. Iba kasi ang kutob ko. Baka kasi gawin din nina Mitch at Athena kay Heran ang ginawa nila sa akin. Baka takutin din nila si Heran na isusumbong nila ito sa school admin.

       

      PLAY>S18                          CLSBed:Creeping Danger

       

       

      CLS-19

                      Iniwasan kong magtanong kay Heran ng kahit ano tungkol kina Athena at Mitch. Araw-araw namang pumapasok si Heran kaya’t pinaniwalaan kong hindi siya blinakmail nina Mitch. May mga gabi lang na hindi umuuwi si Heran pero tumatawag siya. ‘yun ay kapag dumarating ang Mama niya or ang Papa niya sa bahay nila dito sa Tuguegarao. Nauunawaan ko si Heran kung bakit kailangan pa niyang itago sa parents niya ang tungkol sa aming dalawa. Hindi ko siya pinagpapaliwanag dahil sapat na sa akin ang sinabi niyang; magkakaroon lang ng tiwala sa kaniya ang parents niya kapag nakatapos siya ng pag-aaral.

       

                      Anim silang magkakapatid. Pang-apat si Heran. May magandang business ang Kuya niya sa Sta. Ana. Milyonaryo na sa edad na 30. Ang sumunod ay ang Ate niya, nasa Manila naman at may sariling business. Yung isang Kuya niya, nag-aaral sa La Salle, kumukha ng Law. Yung nakababatang kapatid niyang babae, sa UP-Diliman naman at ang bunso nila sa La Consolacion, High School pa lang. Minsan naitanong ko kay Heran kung bakit siya lang ang nag-aaral dito sa Tuguegarao. Ang sagot niya;

       

                      “It’s a long story….”

                      “Makikinig ako….” Sabi ko.

                      “Next time. I’m not in the mood to tell a story…” Sabi niya saka ako hinagkan. “But I’m in a mood for love….” Sabi niya saka dumausdos ang malalambot niyang labi pisngi ko, papuntang tenga…then sa leeg….

       

      PLAY>S19                          CLSBed:Misty

       

       

      CLS-20

                      Iniiwasan naming mabuntis ako. We did every little thing para maiwasan ito. Everyday became tedious for me lalo na pag nag-iisa ako sa apartment so nag-isip ako ng pagkaka-abalahan. Gumawa ako ng masarap na ice candy, saka ako nagpaskil sa labas ng Ice Candy for sale. Tinatawanan ako ni Heran noon kasi pinapatulan ko raw ang barya-barya. Then there was one time na naisapan kong maglibot sa ukay-ukay. Naka-kita ako ng magagandang kurtina, kulay red. Binili ko, nilabhan at noong matuyo, isinabit ko sa mga bintana.

       

                      Pagdating ni Heran kinagabihan;

                      “What the hell is that!” Sigaw niya. Galit.

                      “Please take those bloody curtain off!” Utos niya sa akin saka mabilis na umakyat sa taas. Kaso pati sa kuwarto namin ay ganon din ang kurtina. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto, pero kasunod ‘nun ang sigaw ni Heran sa pangalan ko. Mabilis akong umakyat pero pagdating ko ng kuwarto ay natanggal na ang mga kurtina.

       

                      “I hate red!” Sigaw niya sa akin.

                      “Get any color, get black…get violet any color. But never Red!” Sigaw niya sa akin saka mabilis na bumaba. Gulat na gulat ako noon. Nanatili akong nakatulala hanggang sa marinig ko ang pag-andar ng motorsiklo niya. Tinanggal ko lahat ng kurtinang pula habang tangay ng isip ko ang pagtataka kung bakit galit na galit si Heran sa red.

       

                      Naalala ko tuloy noong gumagawa kami ng project sa bahay nila. Natuwa ako sa mono bloc na upuan na kulay Red. Sinadya ko pa ngang isang araw ay nag-blouse ako ng red at noon niya tinanong kung paborito kong color ang red at sinagot ko siya ng oo. Pero the following day, wala na ang upuang pula. Itinago niya pero inilabas niya noong hanapin ko ito.

       

                      At noong valentines na nagyaya siya ng date sa amin ni Chara,..binigyan niya ako ng bouquet of roses, pero hindi rin. Puti.

       

                      Noong mailigpit ko sa bakanteng kuwarto sa kabila ang mga pulang kurtina ay tinawagan ko si Heran.

                      “Nasaan ka na?”

                      “Dito sa bahay. Dito muna ako matutulog. Please lock the doors….”

                      “Can we talk?” tanong ko.

                      “I hate red Rochelle….”

                      “Yun nga. Bakit?”

                      “It’s a long story,..and I’m not in the mood to tell a story…”

       

      PLAY>S20                         CLSBed:Fur Elise

       

       

      CLS-21

                      OK naman ang white roses, it represents purity and true love. At puting roses ulit ang inaasahan kong idadating ni Heran sa akin noong sumapit ang Valentines Day. Isang buwan na lang noon at magtatapos na siya ng college. Kapag nakatapos na siya, magsisimula na siyang magkaroon ng laban sa kaniyang pamilya. Laban para sa aming dalawa. Gusto ko nang isipin noon ang engrandeng kasal. Magpapakita na rin ako sa pamilya ko. OK na kami ni Mama noon, nagtetext kami pero hindi ko  sinasabi kung nasaan ako. Ako ang unang nagtext sa kanila matapos ng ilang beses na kuwento ni Chara na lagi akong hinahanap sa kaniya. Nakonsensiya ako noon dahil alam kong hindi sila natatahimik dahil nawawala ako.

       

                      Nagpalit din kasi ako noon ng number. Ako ang unang nagtext kay Mama. Tumawag siya. She was crying pero sinabi kong OK lang ako. Nasa mabuting kalagayan ako at magpapakita lang ako kapag mayroon na akong puwedeng ipagmalaki sa kanila. Sabi ni Mama, umuwi na lang ako. Hindi ako pumayag. Siguro, magiging OK kami ni Mama. Pero kay Papa, I doubt it. At sa mga pinsan at Auntie ko, mamaliitin lang nila ako araw-araw. So I decided to stay with Heran at nagtiis ako’t naghintay na makatapos siya ng pag-aaral niya. Kasi ang promise niya, kapag graduate na siya ay bibigyan na rin siya ng sarili niyang kapital para makapagsimula ng negosyo or whatever he wants to do with his life. Minimum of 8 million daw ang maaaring ibigay sa kaniya to start a business. Kapag nakuha niya ang 8 million, magtatayo siya ng negosyo. Hotel or restaurant, kasi iyon naman ang pinag-aaralan niya. Kapag OK na ang business na pagtutulungan namin, mag-aaral naman ulit ako,..pero sa ibang school na.

       

                      Ganon ang plano. Natatakam si Heran noon sa 8 million kasi nauubos na ang savings niya sa banko noong sumapit ang February. Pinagkakasya na lang namin ang 500 pesos na daily allowance niya. Kaya nga hindi rin ako nakasabay sa kaniya sa pag-aaral noon pero ‘yun nga, part of the plan, kapag nakapagtayo na siyang business, mag-aaral ulit ako. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. At kapag graduate na ako, uuwi ako sa parents ko at iimbitahan ko sila sa kasal namin ni Heran. Ganon ang plano at tiwala ako kay Heran na mangyayari ang mga planong ‘yun. I love him and I trust him.

       

      PLAY>S21                          Dadalhin      Bryan Termullo

       

       

      CLS-22

                      Then here comes month of February 2o12. Unang Valentines Day namin ni Heran mula noong magsama kami sa iisang bahay. I was expecting for a beautiful bouquet of white roses from him. Lunes ang Valentines Day last year kaya may pasok sa school si Heran. Nagluto ako ng paborito niyang adobong baboy with sweet potato para sa lunch. Sinamahan ko pa ng ginising broccoli with beef, saka mais con yelo na siyang paborito niyang dessert. Para sa tanghalian ang mga ‘yun. Pero nagtext si Heran. Napangiti na lang ako sabay pasok sa ref ang mga niluto ko. Sa text kasi niya ay naisip kong may kakaiba siyang plano for our Valentines. Ang sabi niya sa text;

       

                      “Nandito ako sa Café Michelle sa Hotel Roma. Punta ka dito. Wait kita. Wag ka na mag-reply kasi lowbat na ako. I’ll wait for you’re here. Take care!” May napansin akong  kakaiba sa text ni Heran noon pero hindi ko na lang pinansin kasi mas nanaig sa akin ang excitement na muli kaming mag-date doon pero this time, dalawa lang kami. Noong 2011 kasi ay doon din kami pero kasama namin si Chara. Noon nag-tapat si Heran sa akin.

       

                      ‘Nung time na ‘yun, isang pangarap ang turing ko sa kaniya. Asiwa pa ako, nahihiya. Naiilang. Pero nung Valentines Day last year,…nagsasama na kami at alam kong iba na ang kilig na idudulot sa akin ng Valentines Day with Heran. Masaya akong sumakay ng tricycle papuntang Hotel Roma.

       

                      Nag-spray pa ako ng cologne noong nasa hagdan na ako. Pagpasok kong Michelle’s,..naghintay tatayo si Heran at kakaway. Marami  kasing tao,..pero sa isang table sa bandang kaliwa ay nakita ko si Heran. Naka-side,…pero nagulat ako dahil may babaeng nakasandal sa kaniya na parang naglalambing. Halos mag-collapse ako  sa nakita ko, ang babaeng ‘yun ay si Mitch!

       

      PLAY>S22                         Koryx [4] + Creeping Danger + Narrate Slow

       

       

      CLS-23

                      Sa tricycle, halos hindi ako makahinga. Para akong sasabog sa galit na hindi ko mailabas. Magulo ang isip ko dahil bakit nagawa pa ni Heran na i-text ako upang makita ko sila ni Mitch? O baka si Mitch ang nag-text gamit ang phone ni Heran at gusto lang niyang saktan ako kaya gusto niyang makita ko sila?

                     

                      Pero kahit sino pa sa kanilang dalawa ang nagtext. Kahit ano pa ang intensiyon ni Mitch sa pagtetext sa akin hindi na ‘yun mahalaga. Ang malakaking tanong ay kung bakit nagde-date sila on Valentines Day at ganon sila ka-sweet. Gaano katagal na akong niloloko ni Heran? Bakit nagawa niya akong lokohin?

       

                      Noong makarating ako sa apartment, nagsisigaw ako. Ubos lakas hanggang sa bumalong ang mga luha ko. Ilang minuto pa’y may narinig ko ang boses ni Heran sa pinto. Natigilan ako’t sandaling nagtanong sa sarili ko kung pagbubuksan ko siya o hindi. Sandali akong nagdasal. Hiniling ko lang sa Diyos na ituro niya sa akin ang tamang gawin. Nagdesisyon akong bumaba at pagbuksan si Heran at sisikapin kong makinig at kailangan kong maging matatag sa kung ano man ang dapat na mapagdesisyunan. Kung magtatapos kami ni Heran, tatanggapin.

       

                      Pagbukas ko ng pinto, nakangiti si Heran at may hawak na bouquet of white roses at isang regalo.

                      “Happy hearts day!” bati niya sabay halik sa pisngi ko.

                      “What’s wrong?” tanong niya noong mapansin niyang hindi ako OK at siyempre, napansin niyang umiyak ako.

                      “What’s wrong?” sarkastiko kong ulit. “What’s wrong Heran is you’re a total jerk!”

                      “What?”

                      “Kanina lang ka-date mo si Mitch at ngayon nandito ka with those flowers?” Nagulat siya noong marinig niya ang sinabi ko.

                      “Nakita mo kami?” tanong niya. Noon ay tumulo ulit ang luha ko dahil sa idea na, makikipag-hiwalay na ako sa kaniya.

                      “Kailangan na ba nating maghiwalay Heran? Tell me,…tell me honestly…”

                      “Rochelle….”

                      “Before you talk Heran, please set yourself to be very honest. I know you’ve been hiding a lot of things from me. For the last time, please tell me everything with all honesty…”

       

      PLAY>S23                                         Honestly       Harem Scarem

       

       

      CLS-24

                      Nagpaliwanag si Heran. Nakinig ako. At pagkatapos ay nagdesisyon akong iwanan siya. Masakit. Bawat segundo habang nag-iimpake ako ng  mga gamit ko’y gusto kong lumuha pero pinigil ko dahil nasa harap ko si Heran. Ayaw kong makita niyang ganon ako  kahina. Ayaw kong isipin niyang loser ako.

       

                      Nagpakahonest siya at nalaman kong hindi lang si Mitch ang problema. Well si Mitch, hindi masyadong big deal sa akin. Naunawaan ko si Heran kung bakit niya pinatulan ulit si Mitch. Blinak-mail siya ni Mitch. Magsusumbong daw si Mitch sa school kapag hindi siya binalikan ni Heran. Desperadang banat ang ginawa ni Mitch. Siya din daw ang nagtext sa akin kasi nakitext daw siya kunwari kay Heran.

       

                      Ang malaking problema ay ang Mama at ex-gf ni Heran sa Maynila na si Dianne. Buntis daw si Dianne at malapit nang manganak at gusto ng Mama ni Heran si Dianne para sa kaniya dahil negosyante din ang mga magulang ni  Dianne. Dalawang malalaking tao ang kalaban ko. Anong laban ko sa buntis na. Hindi kaya ito pa ang dahilan kung bakit ayaw akong mabuntis ni Heran kasi may nabuntis na siya? At ang Mama niya na may gustong iba para sa kaniya? Paano ko isisiksik ang sarili ko sa kanilang pamilya? Hopeless diba?

       

                      Naisip ko ang mga plano ni Heran para sa amin? Napalingon ako sa mukha niya at gusto kong itanong, “kasinungalingan din ba ang mga sinabi mong plano mo para sa atin?” gusto ko itong sambitin kay Heran pero hindi ko na ginawa dahil tahimik siyang umiiyak. Kaya hindi ako makaiyak dahil siya ang iyak ng iyak.

       

                      Noong OK na ang mga gamit ko’y tumayo ako sabay bitbit ng maleta ko. Tumayo din siya.

                      “Don’t leave, please. Gagawa ako ng paraan….” Umiiyak na sabi niya.

                      “Wala nang paraan Heran..”

                      “Meron pa Rochelle. Just trust me again, gaya ng trust na ibinigay mo sa akin noong ako ang gawin mong leader ng grupo natin sa group project…” Noon ay muli ko siyang pinagmasdan. Hindi isang lalaki ang nakita ko sa mukha niya gusto isang batang iyakin.

       

                      “Please Rochelle. Trust me again….”

                      “Heran, I gave you all the trust. Wala na akong maibibigay na trust pagkatapos ng ginawa mo. At isa pa,…ang relasyon natin Heran, hindi ito project sa eskuwela. Grow up, please!” Sabi ko. Nakita ko ang biglang pagbabago ng itsura niya.

       

                      “OK…” Sagot niya. Biglang tumapang.

                      “Go ahead. Leave me. Pero tandaan mo Rochelle, hindi kita hahanapin. Ikaw ang umalis so don’t expect me to go out and get you back!”

       

      PLAY>S24                         CLSBed:Suspense

       

       

      CLS-25

                      Nagpunta ako kay Chara. Sabi niya susubukan niyang kausapin ang landlady niya kung puwede kaming mag-share na lang sa bed niya kasi puno na ang kuwarto nila. Bagong lipat lang kasi si Chara sa kaserang ‘yun. Nagpalipat-lipat na siya ng boardinghouse mula nang iwanan ko siya at nakisama na ako kay Heran. Unfortunately, masungit ang landlady niya at hindi ito pumayag na sumiksik ako. Wala akong madaming pera para mag-rent ng sarili kong kuwarto. Hanggang sa napilitan akong umuwi sa amin. Malaki ang takot sa puso ko sa ginawa kong pag-uwi, lalo na sa aking ama pero hindi gaya ng kinatakutan ko ang nangyari. Malaki ang mga braso ng aking ama sa pagyakap sa akin na may luha pa sa kaniyang mga mata. Ganon din si Mama at mga kapatid ko.

       

                      Nagbago ang pananaw nila. Lumuwag ang pang-unawa nila. In short, natanggap nila ako at handa silang pabalikin ako ulit ng school sa susunod na pasukan. OK ‘yun. Masaya ako sa pagtanggap nila sa akin pero malaki pa rin ang lungkot sa puso ko dahil kay Heran.

       

                      Kaya nga, nagsusulat ako ngayon ng kuwento ko. Valentines Day pa rin ngayon kasi 11:45 pa rin ng gabi, February 14, 2012. And this is the worst Valentines Day of my life. So painful,..pero wala man lang akong mapagsabihan. Wala man lang akong maiyakan. Nahihiya ako sa parents ko kaya hindi ako nagkukuwento sa kanila. Hindi ako nag-open up sa lahat ng tungkol sa feelings ko. I’m crying all alone…and I’m writing out the pain….

       

      PLAY>S25                         Cry On My Shoulder        Deutchland Sucht Den Superstars

       

       

      CLS-26

                      Dalawang araw na hindi kami nagtext ni Heran. Pinipigilan ko ang magtext sa kaniya. Pero isang umaga nagisnan ko ang text niya. Na-send niya yun ng alas tres ng madaling araw. Ang sabi niya;

       

                      “Nandito pa rin ako sa apartment. Hinihintay kita. Hindi ka pa ba susuko?” Napangiti ako sa word na ‘susuko’? Hindi magaling magtagalog si Heran. Trying hard siya at madalas akong matawa sa mga choices of words niya sa tagalog. Hindi ko siya nireplayan. Ngayon pang tanggap na ako ng pamilya ko? At isa pa, bakit ako ang hinihintay niyang sumuko? Nagkasala ba ako?

       

                      Wala akong kasalanan, pero ako ang nasasaktan. Well, lalaki siya. Ma-pride. Alam kong hindi siya ang susuko dahil sa pride niya. Pero may pride din ako at kakayanin ko ang huwag sumuko dahil naka-back-up na sa akin ang pamilya ko. Everyday mula noong nasa bahay namin ako ay sinikap kong ibalik ang lahat sa dati. Yung relationship ko sa pamilya ko, yung tiwala nila sa akin. Hinarap ko na rin ang mga pinsan ko at mga Tita kong alam kong hanggang noon ay hinuhusgahan pa rin ako. Ako na ang nagbubukas ng pinto kapag may kumakatok na bisita o kamag-anak at sinisikap kong ngumiti kahit alam kong lihim nila akong pinipintasan sa aking pagkakamali. “We are only human, and humans are prone to mistakes…” Ito pa ang narinig ko kay Charlene Gonzales noong araw na ‘yun sa The Buzz na kasalukuyan kong pinapanood sa salas namin, nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at lumakad sa pinto at binuksan ko ‘yun,..pero nagulat ako sa nakita ko. Isang lalaking naka-pula ang nasa labas ng pinto;

       

      PLAY>S26                         PCLS [Chelle]

       

       

      CLS-27

                      Niyakap ako ni Heran, pero hindi ko nagawang yumakap sa kaniya. Nasa bahay kasi sina Mama at Papa noon. Nasa kusina sila pero lumipat sila ng salas noong makita nilang may tao. Magalang na bumati sa kanila si Heran. Si Papa, niyaya niya si Heran para mag-usap. Dere-deretso si Heran.

       

                      “I need your help, Sir..Maam…” Sabi niya kina Mama. “I love your daughter and I can’t afford to lose her….” Ganito ang simula ni Heran. Ikinuwento rin niya ang mga problema niya lalo na ang tungko lay Dianne na ex niya pero buntis na. Sabi ni Papa;

       

                      “She’s pregnant but she’s your ex. Let’s define ex!” Si Mama naman ang sumagot.

                      “Ex is someone from your past and who is no longer connected with you…” Ganito ang kumpiyansang sagot ni Mama. Noon ako sumabad.

       

                      “Buntis ‘yun Mama. Pa. Malapit nang manganak. Kung ako ang nasa kalagayan nung babaeng ‘yun,..anong mararamdaman niyo na mga magulang ko? Manganganak akong walang ama ang isisilang ko…” Nagulat si Heran sa sinabi ko. Napanganga siya sa akin.

       

                      “I still love you Heran,..pero ayusin mo muna ang buhay mo. Kapag naayos mo at puwede pa tayo, saka ka na lang bumalik. Pero kung hindi ka na puwedeng bumalik…I’ll be fine…”

       

                      “I came her to WIN you back Rochelle…”

                      “Win me back? Diba sumuko ka na sa akin Heran? Paano ka mananalo kung sumuko ka na?” Natameme siya sa sinabi ko.

       

                      “Go Heran. Talk to your mom,..talk to Dianne. Ayusin mo. Hindi rin lang ako magiging masaya kapag iniisip kong may tinatakbuhan kang problema habang kasama mo ako. Alam kong kaya mo’ng ayusin ‘yan. I trust you….” Noon ay napalingon siya sa akin. Disappointed siya sa idea na ipinagtatabuyan ko siya palayo sa akin,..pero alam kong ‘yun ang tama. Masakit, pero ‘yun ang tama!

       

      PLAY>S27                          Saan Darating Ang Umaga      Angeline Quinto

       

       

      CLS-28

                      Noong ihatid ko sa pinto si Heran ay hinawakan niya ang kamay ko. Nagkatitigan kami. Nagsalita siya;

                      “This is the first time that I wear red since 4th year High School….” Sabi niya. Naka-red shirt kasi siya noon at ipinagtaka ko nga ‘yun kasi alam kong galit siya sa pula.

       

                      “I hated red since that day in 2004. 4th year High School ako. May girlfriend ako, si Vanessa. She loves red. She wears red almost everyday. Kapitbahay namin siya sa Greenhills. Sumakay kami sa scooter,..ako ang nag-drive pero hindi pa ako sanay noon. Siya, sanay na siya. Alam mo ‘yun, kasama mo ang GF mo…then siya ang magda-drive diba pangit tingnan? So I took the handlebar pero inaagaw niya sa akin kahit noong umaandar na ang motorcycle. Wala siyang tiwala sa akin na kaya ko. Makulit siya…gusto niya siya ang mag-drive…and at the crossing, bigla na lang may sumulpot na car, sobrang bilis and then…bang!”

       

                      “Ang bilis ng pangyayari. When I got up with pain in my legs and shoulders…I saw the scooter from a far,..and vanessa on the ground….soooo red…with blood all over her face….her body…and on the pavement were blood….so red….” Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Heran noon. Namumula ang mga mata niya dahil sa luhang ano mang oras ay babalong.

       

                      “Namatay si Vanessa. Kasalanan ko daw. Hindi raw ako marunong mag-drive pero inangkas ko pa siya. Family niya at family ko…were saying, na nagmagaling ako…kaya namatay si Vanessa. Since that day Rochelle,..wala nang nagtiwala sa akin kahit sa family ko. Nobody trusted me that I can do something. Tingin nila tanga ako, lampa ako, wala akong kayang gawin….”

       

                      “…that is why I choose to live here, away from them. And since that day,…isang tao pa lang ang nagkaroon ng tiwala sa akin, ikaw ‘yun Rochelle. When you stoop down from being the group leader and gave the position to me…pakiramdam ko noon, kaya ko pang ibangon ang sarili ko. When you decided to live with me, lalo ako nagkaroon ng confidence….pero noong iniwan mo ako,…I felt so lost,so helpless…I felt like I’m nobody again….” Noon ay tuluyan nang kumislap ang mga luha sa mga mata ni Heran pero nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at sinabing;

       

                      “Bumalik ka na please. Di ko kayang mabuhay pag wala ka…..”

       

      PLAY>S28                         Open Arms      Jermaine Paul

       

       

      CLS-29

                      Hindi ko natiis si Heran. Sumama ako sa kaniya. Graduate na siya noon at magta-trabaho daw siya para mabuhay kami. Hindi siya aasa sa parents niya kung ipipilit nilang balikan si Dianne. Minahal naman daw siya Dianne noon. Pero si Dianne ang nakipagbreak sa kaniya kahit buntis na siya. Nagmakaawa pa daw si Heran noon na huwag siyang iwanan ni Dianne pero mayabang si Dianne. Sinabi daw ni Dianne na ipapa-abort niya ng bata pero hindi naman pala niya ginawa.

       

                      So ganon ang nangyari. Sa itsura, porma, at sa husay magsalita ni Heran, kaagad siyang natanggap sa unang trabahong inaplayan niya. Sina Mama naman ay nangakong tutulong para muli akong makapag-enroll sa ibang school na. kung gusto ko pang mag-aral ulit. Medyo boring ulit ang buhay ko kasi nandito lang ako sa apartment the whole day at hinihintay ko lang ang pag-uwi ni Heran at ang paglobo ng tiyan ko. Buntis na ako pero hindi pa halata. Nag-decide kaming magka-baby na rin kasi mas magiging inspired daw si Heran kapag magkakaroon na kami ng baby. Pumayag na lang ako. I trust Heran, and I love trusting him. Para itong sugal na hindi ko sigurado kong panalo ako sa huli. Marami pang problema sa tingin ko pero si Heran, sabi niya wala nang problema. Magkakaproblema lang daw kung aasa pa siya sa parents niya.

       

                      Gusto niya ang ginagawa niya. Sariling sikap. Sa ganong paraan daw ay napapatunayan niya sa family na may kakayahan siya. Matapang siya at malakas. Kaya sinusuportahan ko siya at patuloy akong nagtitiwala sa kaniya. Ang tungkol sa kasal ay hindi pa puwede ngayon sa edad namin na kailangan pa ng consent ng magulang. Ayaw ni Heran ng consent from his parents dahil ayaw niyang magkaroon pa ng diskusyon. Pagtanda namin ng konti, 26, 27 0r 28…saka kami makakapagpakasal kahit walang pahintulot ang parents niya.

       

                      Kung iisipin, parang mali na nagmamalaki si Heran sa magulang niya. Pero nauunawaan ko siya kasi mahal ko siya. Minaliit siya at dinusa sa isang pagkakamaling hindi naman niya sinadya. At pinipilit siyang pakasalan ang babaeng hindi na niya mahal? Mali yun para sa akin. Kaya ngayon, handa akong lumaban, magdusa at magsakripisyo para kay Heran dahil mahal ko siya.

       

                      Kung sa huli matalo ako, mauwi sa wala at maging kawawa. OK lang. Hindi ako magsisisi. Dahil para sa akin, mas mahirap kung hindi ko sasamantalahin ang pagkakataong ito na maligaya ako sa piling ng mahal ko na mahal na mahal din ako.  

       

                      Mahirap hanapin ang tamang tao sa para sa atin. Kusa itong dumarating pero kung minsan, sinusubok tayo para lang mapatunayan natin na siya nga ang tama sa akin. Kailangan nating sumugal para dito dahil kung bibitaw tayo, sa huli baka tayo magsisisi kasi ang taong ‘ito ay hindi na natin pagmamay-ari.

       

                      Hanggang dito na lang Kapuso at sana po’y naibigan niyo rin ang kuwentong ito ng buhay at pag-ibig ko.

       

                      Truly yours,

       

                                     

                      Rochelle

       

        Yan ang unang parte ng sulat ni Rochelle na natanggap natin last Mach 7, 2012. Pero nito lang April 24, 2012 ay nag-email si Rochelle sa atin ng kaniyang latest update. At narito ang kaniyang letter;

       

      Dear Papa Bono,

       

                      Continuation po ito ng sulat ko. Last April 10, nagtext si Heran. Ang sabi niya, magluto daw ako kasi may bisita kami.

      “Sarapan mo ‘mahal ah…” Sabi pa niya. Nagluto naman ako, that’s for dinner. Na-curious ako kung sinong bisita ang sinasabi niya kaya kinulit ko sa text. Sabi niya, some friends. Magiging ninong daw ng magiging baby namin.

       

                      Dumating ang evening. Nag-ayos din ako ng sarili ko and buong bahay. Noong kumatok at mag-ingay si Heran sa labas, binuksan ko ang door. Dalawang matanda ang kasama niya, kamukha niya ang lalaki.

       

                      “My parents…” Narinig kong sabi niya. Nagulat ako’t natigilan. Pero kumilos ang Mama niya at naki-beso-beso sa akin. Humalik na ako sa Papa niya pero para akong lutang.

       

                      “Relax mahal…” Sabi ni Heran noong siya naman ang humalik sa akin.

                      “Smells good!” Sabi pa niya sabay lapit sa mesa. Kahit noong kumakain na kami ay parang asiwa pa rin ako. Pangiti-ngiti ang Papa ni Heran.

       

                      “Kailan namin puwedeng makausap ang parents mo Rochelle?” narinig kong tanong ng Mama niya.

                      “We’re getting married mahal…” Masayang sabad ni Heran saka pa tumayo sa upuan niya at niyakap niya ako. Noon ay tumulo ang luha ko pero agad ko ring pinunas.

       

                      “Don’t cry iha. Nasa harap tayo ng pagkain….” Nakangiting sabi ng Mama ni Heran. After dinner ay umalis din sila. Beso-beso ulit kami ng Mama ni Heran. After that, nagkuwento si Heran tungkol kay Dianne. Nanganak na raw pero may boyfriend nang iba na tanggap pati ang anak niya. Sobrang saya si Heran noon, at siyempre pati ako.

       

      Nung sumunod na araw, nagpunta kami sa amin. Usap-usap sila, dialogo and everything. And out wedding is set on June 28, 2012. We are busy now for the preparation kaya pasensiya na kung shortcut na lang itong extension ng story ko. Thank you po and sana mabasa ang story ko before our wedding day. I will send you invitation Papa Bono and we will be very glad if you could come.

       

                      Again, thank you and God bless!

       

                      Lovingly yours,

       

                      Rochelle

                     

       

      PLAY>S29                         Beautiful In White      

      Tagged: campus love stories, deardjbono@yahoo.com, .
      05.29.12

      DOWNLOAD Austin's Love Story. May 20, 2012

      05.20.12

      Austin’s Love Story. May 20, 2012

      Dear Dj Bono, 

       

                      Magandang hapon po sa lahat ng kagaya kong tagapakinig ng inyong napaka-enggang programang Campus Love Stories. Itago niyo na lang ako sa pangalang Austin. Shortcut ito ng aking tunay at makalumang pangalang Faustino. Junior ako at Junior talaga ang palayaw ko. Pero simula nang magkaroon ako ng galit sa aking ama, pinili ko nang baguhin ng tuluyan ang palayaw ko.

       

                      Sina Sabel at Freda ang unang tumawag sa akin ng Austin. Si Freda ay nakababatang kapatid ko at si Sabel naman ang dati naming bestfriend. High School kami noon at nagsisimula kaming ma-conscious sa aming mga pagkatao.

       

                      May isang araw noon sa isang restaurant sa bayan, kumakain kami ng pansit. May tumawag sa akin ng Junior. Paglingon ko, nakita ko si Mang Raffy. Isa sa mga kumpare ni Papa. Kasama niya ang asawa niya. Lumapit sila at ang sabi niya sa asawa niya;

       

                      “Anak ito ni Kumpareng Fausto. Oh, nasaan na ang tatay mo ha Junior?” Nagkatinginan kaming tatlo noon.

       

                      “Wala na po siya. Baka nasa impiyerno na!” Ang kapatid kong si Freda ang sumagot. Tumawa si Mang Raffy noon bago siya nagpaalam upang umupo sa isang upuan.

       

                      “Naka-kabit kasi sa pangalan mo bilang Junior ang pangalan ng Papa ninyo. Bakit ‘di mo na lang i-change ang nickname mo? Gawin na lang nating Austin. Sosyal pakinggan at minimal ang connection sa real name niyo ng Papa mo…” Ito ang narinig kong suggestion ni Sabel.

       

                      “Tama Kuya. Kasi baka may bad vibes pa sa’yo ang patuloy mong paggamit sa pangalan ni Papa. Austin na lang….”

       

                      “Sige. Austin na lang….” Sang-ayon ko naman sa kanila. Noong mga panahong ito, kahit siguro sinong pinakamabait na anak ay pipiliin niyang kalimutan ang kaniyang ama. Si Papa na ama namin ni Sabel, masasabi kong isa sa pinakamasamang ama sa buong mundo. Kaya kung bakit nagdesisyon akong pandirihan ang paggamit sa pangalan niya, alam kong mauunawaan niyo.

       

      PLAY>S1                              A Long And Sad Goodbye           Lenny Kravitz

       

       

      CLS-02

                      Maraming ari-arian ang minana ni Papa sa mga magulang niya. Si Mama naman, nagmana ng dalawang ektarya ng bukid sa mga simple lang niyang magulang. Sina Mama at Papa ay parehong bunsong anak.

       

                      Ayon sa kuwento ni Mama, noong magsama sila bilang mag-asawa ay engga ang buhay nila. Natatandaan nga din namin ni Sabel na hindi kami mahirap noong nasa Elementarya pa lang kami.

       

                      Kaso nalulong sa sugal si Papa at noong 1st year High School si Sabel at 2nd year naman ako, pati ang titutlo ng lupa ni Mama na minana niya sa parents niya ay pinag-iinteresan na ni Papa. Mahirap na kami noon. Ka-level na namin sa kahirapan si Sabel na madalas walang baon sa eskuwela.

       

                      May mga pagkakataon na nagbabaon kami sa school ng tanghalian namin, pritong saging at itlog na lang. Kaming tatlo lagi ang magkakasamang kumakain sa ilalim ng mga puno sa loob ng eskuwela.

       

                      May isang hapon, kararating namin sa school. Nadatnan  naming umiiyak si Mama sa sofa. Agad kong napansin ang pasa sa mukha niya.

       

                      “Anong nangyari Mama?” maiiyak na ring tanong ni Freda. Ang sagot ni Mama;

                      “Hiwalay na kami ng ama niyo….” Nagkatinginan kami ni Freda ngunit agad din kaming napatingin sa kawawang mukha ng aming ina matapos niyang sambitin ang mga salitang;

       

                      “May ibang asawa ang Papa ninyo. May dalawa na siyang anak sa babaeng ‘yun…”

       

      PLAY>S2                              CLSBed:Suspense

       

       

      CLS-03

                      Maraming nakakakilala kay Papa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur kung saan kami isinilang at lumaki. Sa Baclig na aming barangay ay sirang-sira na si Papa. Matapos silang maghiwalay ni Mama nagdatingan sa aming bahay ang mga naniningil ng utang ni Papa. Halos araw-araw may dumarating para maningil.

       

                      Narindi si Mama, ang ginawa niya’y ibinenta niya ang isang ektaryang lupa niya upang mabayaran lang ang mga naniningil. Upang tigilan na kami. Akala ni Mama, wala nang darating para maningil pero nagkamali siya dahil pati ang isang konsehal sa bayan ng Cabugao ay dumating ay may sinisingil ding utang ni Papa.

       

                      Noon ay umiyak si Mama dahil malaki ang halagang sinisingil ng konsehal. Parang nakaunawa naman ang konsehal. Umalis siyang hindi naman galit. Pero kami, galit na galit sa aming ama.

       

                      Malinis ang pagkatao ng aming Ina, pati ang pinagmulan niyang pamilya. Ayaw niya ng may masamang tsimis tungkol sa kaniya. Ayaw niyang masira ang pangalan niya kaya niya binayaran agad ang mga utang ni Papa para lang tumigil na sila at huwag na silang magpakita sa bahay namin.

       

                      Pero ayaw na ni Mama na ibenta ang natitirang isang ektarya.

                      “Pamana ko yun sa’yo Austin,..at itong bahay at lupa kay Freda naman. Hindi na ako puwedeng magbenta ng kahit ano…” Malungkot at tulirong sabi ni Mama noon. Inakbayan ko si Mama noon bilang tanda ng pakikisimpatiya.

       

                      “May naisip akong paraan para maka-ahon tayo. Tutal malalaki na kayo, at mababait kayong mga anak. Iiiwan ko muna kayo. Mag-a-abroad ako….” Noon ay nagkatinginan kami ni Freda.

       

                      “Huwag Mama, ayoko!” mabilis na sabi Freda. Nakita kong umagos ang luha ni Mama saka sinabing;

       

                      “Dalawang taon lang naman anak. Unawain niyo sana ako…at suportahan na lang ninyo ako sa mga desisyon ko. Para sa atin lahat ‘to…..”

       

      PLAY>S3                              CLSBed:Fur Elise

       

       

      CLS-04

                      Marami kaming kamag-anak sa Baclig pero ayaw na ayaw ni Mama ang nanghihingi ng tulong sa kanila o kahit kanino. Sabi ng mga tao sa amin, mayabang daw si Mama. Nagsimula daw siyang tawaging mayamang noong dalaga pa siya at si Papa na anak mayaman at taga-bayan pa ang pinatulan niya at hindi si Mang Ernesto na mahirap lang. Masugid daw na manliligaw ni Mama si Mang Ernesto noon. Mabait si Mang Ernesto at matulungin sa kapuwa kaya naman nasa kaniya ang simpatiya ng mga tao noon. Pero mas mahal nga ni Mama si Papa kaya naman si Papa ang kaniyang pinakasalan at si Mang Ernesto ay kaniyang binigo at nasaktan.

       

                      Engrande daw ang kasal nina Mama at Papa noon pero kokonti ang mga tao sa barangay namin ang dumalo dahil galit sila kay Mama dahil hindi si Mang Ernesto ang kaniyang pinakasalan.

       

                      Kaya naman noong maghiwalay na sina Mama at Papa at nag-iwan ng maraming problema si Papa sa amin, pinilit ni Mama na kayaning mag-isa na lutasin at lusutan ang mga problema.

       

                      Hindi naman siya napigilang mag-abroad sa Bahrain bilang Domestic Helper. Ang pangako ni Mama noon, pagdating na pagdating niya sa Bahrain ay tatawag siya sa amin. Naghintay kami ng tawag ngunit walang tawag. Hindi binibitawan ni Freda ang Cellphone niya, lagi itong nasa bulsa niya at naka-full ang volume nito. Pero dumaan ang mga araw, at buwan…walang tawag na dumating mula kay Mama.

       

      PLAY>S4                             BonCLSBed11:Relaxing Guitar

       

       

      CLS-05

                      Trese anyos ang kapatid kong si Freda noon at katorse naman ako. Ka-classmate ko pa rin si Jennifer noon na crush ko mula pa noong Grade 5 kami. Sabi nga ni Freda, parang ayaw daw kaming paghiwalayin ng Diyos kaya pati sa High School ay nagkakataong magka-klase pa rin kami ni Jennifer.

                      Maganda si Jennifer at may kaya din ang kanilang pamilya. Boto si Freda kay Jennifer para sa akin pero kumokontra si Sabel. Plastic daw si Jennifer kasi iba daw ang kilos nito sa bahay nila sa kinikilos nito pag nasa school siya. Pasosyal daw si Jennifer kapag nasa school na pero kapag nasa bahay daw siya’y napakasimple niya.

                      Hindi ko lang pinapansin ang paninira ni Sabel noon kay Jennifer. Sila kasi ang magkapit-bahay kaya mas kilala ni Sabel si Jennifer. Ang hindi ko alam, may sariling dahilan pala si Sabel kung bakit ayaw niya kay Jennifer.

                      Naibulong minsan ni Freda sa akin nung isang hapong pauwi kami galing ng school. Umuulan at magkasukob kami sa payong at naka-akbay ako sa kapatid ko.

                      “Lam mo Kuya, may nadiskubre ako tungkol kay Sabel….”

                      “Ano ‘yun?”

                      “May picture ka sa wallet niya….”

                      “Ow?”

                      “Oo. Nakita ko talaga. Sa tingin ko, crush ka ni Sabel Kuya. Sinisekreto lang niya at ‘yun ang reason kung bakit sinisiraan niya si Jennifer sa’yo….”

                      “Hindi naman siguro. Bestfriend natin siya eh kaya OK lang na may picture ako sa wallet niya. Wag mong bigyan ng malisya ‘yun Fred….” Sabi ko na lang noon sa kapatid ko pero sa totoo lang, kahit na binatilyo pa lang ako noon ay napapansin ko ring iba ang mga sulyap sa akin ni Sabel, pero ayaw ko ring bigyan ng ibang kahulugan ‘yun dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Matapat at mabuti namin siyang kaibigan mula pa  noong mga paslit kami at gusto kong manatili kaming ganon.

      PLAY>S5                              Friends      Sharon Cuneta

       

      CLS-06

                      May mga pagkakataong umiiyak ang kapatid ko dahil sa labis na pag-aalala sa aming Ina na nasa Bahrain at wala pa ring tawag sa amin. Sabi ni Maam Sonia na adviser ni Freda, may mga amo daw sa Middle East na talagang istrikto sa mga domestic helper. Unang araw pa lang daw ay kukumpiskahin na ang kanilang cellphones. Ito na lang ang pinaniniwalaan namin ni Freda noon na siyang dahilan kung bakit hindi pa rin nakakatawag si Mama.

                      Gabi-gabi kaming nanonood ng balita sa TV noon. Inaabangan namin kung may nag-crash ba na eroplano papuntang Bahrain, ay may Domestic Helper na pinatay ng amo, o minaltrato.

                      Noon sumapit ang bakasyon sa eskuwela. Tapos na ni Freda ang First Year at tapos ko na rin ang second year, noon ay paubos na ang iniwang pera ni Mama sa amin. Anim na buwan na siya noon sa Bahrain.

                      Dahil bakasyon ay nagdesisyon akong makigapas para magkapera kami. Unang lusong ko sa bukid ay bukid ni Uncle Roman na nakatatandang kapatid ni Mama. Nagtaka siya kung bakit nakikigapas na ako. Sinabi ko sa kaniya ang totoo pero pinapauwi niya ako.

                      “Gusto ko lang kumita ng pera uncle kasi…wala na kaming pera ng kapatid ko…”

                      “Mag-aani na rin si Carlos,..hintayin niyo na lang ‘yun. Hindi ka naman sanay sa bukid eh, baka mamaya magapas mo pa yang kamay mo…” Tila may pagmamalasakit na sabi ni Uncle Roman. Sa totoo lang, hindi namin sila ka-close dahil sa hidwaan nga nina Mama sa kanila. Hinintay ko pa ngang makapagsalita siya ng masama laban sa Mama ko pero hindi naman niya ginawa.

                      Umuwi na lang ako noon kasi nga sa totoo lang hindi naman ako magaling gumapas. Natuto lang ako sa school kasi may subject kaming Agriculture pero ang galing ko sa paggapas ay hindi naman talaga pang-upahan.

                      Si Mang Carlos naman ay ang katiwala ni Mama sa isang ektaryang sakahin. Yung malaking parte ng ani ay mapupunta naman sa amin at ‘yun ang magiging allowance namin ni Freda. Pero mula sa kikitain dun ay kukuha pa rin naman si Mang Carlos ng mga gagastusin niya kapag sakahan na ulit kaya alam kong kokonti lang din ang matitira. Baka kulangin kami ni Freda ng allowance, lalo na kapag pasukan na.

                      Dahil doon ay nakigapas pa rin ako sa ibang bukid at nasugat ko nga ang kamay ko sa unang araw pa lang. Pero hindi ako umuwi. May isang matandang babaeng tumulong sa akin. Tinalian niya ang sugat sa daliri ko at pagkatapos ‘non, tumuloy ulit ako sa paggapas.

                      Ako ang laging nasa hulian kasi nga hindi pa ako mabilis at nasugatan pa ako. May pagkakataon noon na naiiyak ako dahil sa nangyari sa aming pamilya,..at lalo na dahil hanggang noon ay wala pa kaming balita tungkol kay Mama.

      PLAY>S6                             CLSBed:Kordero Ng Diyos

       

      CLS-07

                      “Engga ka naman na sa kaitiman!” Ganito ang puna sa akin ni Sabel noong buwan ng Mayo at kararating lang niya mula sa pagbabakasyon niya sa Isabela. Pumuti nga siya noon at gumanda. Sa totoo lang, namiss namin siya kasi halos dalawang buwan na hindi namin siya nakita.

                      “Nakikigapas kasi siya!” Sumbong naman ni Freda sa bestfriend niya.

                      “Engga naman! Bakit kailangang makigapas? Ganon na ba kayo ka-poor?” Sagot ni Sabel na noon ay napansin naming may bagong expression. “Engga!”

                      “Ano ba yung engga?” tanong ko.

                      “Wala. Nahawa lang ako sa mga pinsan kong bading sa Ilagan. Expression niya ‘yun, engga!”

                      “Ano ibig sabihin?” tanong naman ni Freda.

                      “Bongga. OK, alright….super…”

                      “Ganon?”

                      “Yeah at na-miss ko kayo!” sabi niya saka sumulyap sa akin. Totoong malaki ang initim ko noon kapuso at nagpatong-patong ang kalyo sa palad ko pero OK lang dahil nakaipon naman ako ng kulang P3,000 pesos sa pakikigapas lang.

                      Hindi makapaniwala si Sabel noon pero ipinakita ko sa kaniya ang pera sa wallet ko. Namangha siya kasi makapal yun kasi nga, tig-20, 50 at 100 pesos ang mga ‘yun. Itinigil ko lang ang pakikigapas noong pasukan na sa eskuwela. 3rd year na ako noon at 2nd year naman na sina Freda at Sabel…at si Mama, wala pa ring balita tungkol sa kaniya.

                      Ganon kaliit ang mundo namin noon Kapuso, pakiramdam ko tatatlo kaming gumagalaw sa mundo noong mga panahong ‘yun. At wala kaming alam gawin kundi ang i-asa sa dasal ang takot namin tungkol sa maaaring mangyari kay Mama. Kung sana kasama namin ang aming ama, siya sana ang kikilos upang alamin ang tungkol sa aming ama. May mga kamag-anak kami sa mother side pero wala naman silang pakialam. Kaya naman kami ni Freda, nagdadasal na lang na sana nasa mabuting kalagayan ang aming ina.

      PLAY>S7                              Opening      XCLSBed10 

       

      CLS-08

                      May isang gabi, buwan ng July noon. Hindi nakapagdala ng payong si Freda kaya nabasa kami sa ulan. At nung sumapit ang gabi, ang taas ng lagnat niya. Natakot ako kaya tumakbo ako kina Sabel kahit malakas ang ulan. Nakita ako ni Uncle Roman, sinigawan niya ako. Tumakbo ako sa kaniya kasi kinawayan niya ako.

                      “Bakit ka tumatakbo sa ulan?” tanong niya.

                      “Pupunta kasi ako kina Sabel. Mataas po ang lagnat ni Freda…” Nakita kong nagngitngit si Uncle Roman at ang sabi niya;

                      “Bakit ka kay Sabel tatakbo? May magagawa ba yun? Ako ang pinakamalapit mong kamag-anak, bakit hindi ka sa akin tumakbo?” Hindi ko nasagot ang tanong na ito ni Uncle Roman. Sa totoo lang, nasanay kaming huwag humingi ng tulong sa kahit kanino sa mga kapatid ni Mama. Pero noon ay nagkusang tumulong si Unce Roman, kasama ang mga anak niyang sina Kuya Waldo at Kuya Enchong na puro malalaking tao. Isinakay namin si Freda tricycle nila at dinala namin sa ospital sa bayan para ipagamot.

                      Iyon ang naging simula ng pagiging malapit namin kina Uncle Roman. Mula noon ay naramdaman na namin ng kapatid ko na may kamag-anak kaming nagmamalasakit sa amin at nagpatuloy ito sa pagdaan pa ng maraming araw.

                      4TH year na ako sa High School at 3rd year naman si Freda nang biglang sumulpot si Papa sa bahay namin. [Spooky Beaty]

                      Nasa kusina ako noon at nagluluto ng hapunan namin habang si Freda ay nagtutupi ng mga damit namin sa salas. Biglang sumigaw si Freda, pangalan ko ang isinigaw niya. Paglingon ko, may lalaki sa pinto. Si Papa at hinahanap ang titulo ng lupa.

                      “Hindi namin alam kung nasaan…” sagot ko.

                      “Nandiyan lang ‘yan!” sagot niya saka mabilis na pumasok sa kuwarto ni Mama pero humarang ako sa pinto. Kaso, tinabig niya ako ng malakas kaya sumadsad ako sa dingding. Noon tumakbo si Freda palabas ng bahay.

                      Binuksan ni Papa ang aparador ni Mama saka siya nagsimulang maghalungkat. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nagpunta ako ng kusina, kumuha ko ng kutsilyo.

                      “Umalis ka na Papa. Hindi ako natatakot na saksakin kita pag hindi ka umalis!” Nanginginig kong sabi. Tumayo siya at nilapitan ako.

                      “Sige nga, saksakin mo ako kung kaya mo!” sabi niya. Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka niya ito pinilipit. Pero bigla siyang tumalsik sa kama dahil may sumuntok sa kaniya. Paglingon ko, tatlong lalaki ang nakita ko. Sina Uncle Roman, Kuya Waldo at Kuya Enchong. Si Uncle Roman, may hawak na malaking itak.

      PLAY>S8                             Koryx [3]

       

      CLS-09

                      Bahag ang buntot ni Papa na umalis ng bahay noon. Lubos naman ang pasasalamat namin kina Uncle Roman noon dahil pagtulong nila sa amin. Pero limang araw lang ang dumaan, isang gabi ay may malalakas na katok sa pinto. Paglabas ko ng kuwarto ko, nakatayo na rin si Freda sa pinto ng kuwarto niya at takot na takot.

                      “Baka si Papa nanaman yan…” takot niyang sabi. Pero pareho kaming natigilan ni Freda noong marinig namin ang boses sa labas ng pinto. Tinatawag ang mga pangalan namin. Babae ang boses at parang boses ng aming ina.

                      Noong humakbang ako’y kumapit si Freda sa braso ko. Binuksan namin ang pinto at sobra ang pagkagulat namin noong makita namin si Mama ang nasa labas. Mabilis niya kaming niyakap ng mahigpit pero sa higpit ng yakap na yun ay nadama ang katawan ni Mama na halos puro buto. Napakapayat ng aming ina noon. Ang lalim ng mga mata at ang dami niyang peklat sa braso at sa mukha.

                      Iyak ng iyak si Freda noon.

                      “Hindi ko sinuwerte sa abroad….” Mahinang sabi ni Mama.

                      “Wala akong…naiuwing pera. Tinulungan lang ako ng embassy para makauwi. Hayup ang mga amo ko…mga hayup sila…..”

      PLAY>S9                             CLSBed:Creeping Danger          

       

      CLS-10

                      Masaya pa rin kami ng kapatid ko dahil nakauwi sa amin si Mama, pero alam mo kapuso. Mula doong dumating siya ay lagi siyang nakahiga sa silid niya at madalang kumain. Kung kakain man ay napakonti.

                      May mga gabi ring naririnig namin siyang umiiyak at umuugol pero kapag papasukin namin siya sa kuwarto niya’y sinasabi niyang OK lang siya. Ang payo ni Uncle Roman ay ipagamot si Mama sa Vigan o sa Laoag kung saan mas magagaling ang mga doctor, kaso wala kaming pera.

                      “Isanla na lang po natin ang lupa…” Sabi ko. Pero ayaw ni Mama.

                      “Kailangan mong gumaling Mama…”

                      “Gagaling ako. Hindi kailangang mawala ang lupa,..pamana ko ‘yun sa’yo anak….”

                      “Ma, aanhin ko ang mana kung ikaw naman ang mawawala?” Nakita kong bumalong ang mga luha sa mata ni Mama noon.

                      “Pag nawala ka sa amin,…anong mangyayari sa amin Ma? Wala kaming ama,…mawawala ka pa? paano na lang kami ni Freda?” Noon ay niyakap ako ni Mama at sumang-ayon siyang isanla na lang muna ang lupa.

                      Pero noong hanapin namin ni Freda ang titulo ng lupa. Wala. Hindi naman ito nakita at isa lang ang duda namin. Nakuha ni Papa ang titulo ng lupa.

      PLAY>S10                            Koryx [4]

       

      CLS-11

                      Sina Uncle Roman ang kumilos para hanapin si Papa. Hindi nila nahanap ang walang hiya naming ama. In short, hindi naipagamot si Mama. Kapos din sa pera sina Uncle Roman dahil pagsasaka din lang ang pinambubuhay niya sa kaniyang siyam na anak at maliit lang ang bukid niya.

                      Pumayat ng husto si Mama pero may isang umaga noon na nagising kami ni Freda dahil sa amoy ng pagkaing niluluto sa kusina. Paglabas ko ng kuwarto ko’y nakita ko si Mama. Nagluluto at kay tamis ng kaniyang ngiti.

                      “Good morning anak. Breakfast is ready! Gisingin mo na si Freda…” Sabi niya pero hahakbang palang ako’y nasa likod ko na pala si Freda at nakangiti din.

                      “OK ka na Mama?” nakatawang tanong ni Freda.

                      “OK naman talaga ah!” sagot niya, pagkatapos ay humalik sa pisngi ni Freda. Kakaibang pork chop ang niluto ni Mama noon at may partner na tortang talong. Masaya kaming kumain noon at ang daming tanong ni Mama.

                      “Ano bang kukunin niyo pag college na kayo?” tanong niya.

                      “Ako Ma, Nursing!” mabilis na sagot ni Freda. Para kapag nagkasakit ka ulit, ako ang magaalaga sa’yo….”

                      “Wow! Maganda yan anak. Pero hindi na ako magkakasakit ulit. Eh ikaw naman Austin anak?”

                      “Ako,..kahit ano…” sagot ko. Tumawa siya saka sinabing “Meron bang kurso na kahit ano?”

                      “Eh sige, Pulis na lang. Para ako ang huhuli kay Papa…” Sabi ko pero ipinatong ni Mama ang palad niyang payat sa kamay ko.

                      “Anak,…hayaan mo na ang Papa mo. Diyos na lang ang bahalagang magparusa sa kaniya. Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa ama mo o kahit kanino anak. Ayaw ng Diyos na may galit sa puso natin…”

                      “ok…” Sagot ko na lang dahil hindi ko gustong lumungkot ulit ang umagang ‘yan.

                      “Very good anak!” sabi ni Mama saka muling ngumiti. Magkaakbay kami ni Freda na lumabas ng bakuran papuntang school. Nung sumapit ang hapon, excited pa rin kaming umuwi ng bahay para makasama ulit si Mama.

                      “Wow!” Sigaw ni Freda nang buksan niya ang pinto ng salas. Naiba kasi ang ayos ng mga sofa, ay iba na rin ang kurtina. Ang liwanag sa salas dahil kulay yellow ang malalaking kurtina. Sa ibabaw ng cabinet ay may isang malaking kuwadro, family picture namin ang naroon pero napasimangot ako dahil kasama si Papa sa lumang picture na ‘yun. Pati sa kusina ay inayos din ni Mama.

                      Patakbo at excited na pumasok si Freda sa silid ni Mama. Pero ilang sandali lang ay narinig kong sumigaw si Freda, sigaw na may kasamang iyak. Pagpasok ko ng silid ni Mama,..napakaayos ng pagkakahiga niya. May ngiti sa kaniyang labi pero…hindi na siya humihinga.

      PLAY>S11                             CLSBed:Dying + Sob

       

      CLS-12

                      Hanggang ngayon, nagkukulang sa lakas ng loob para maalala ang mga pangyayaring ‘yun noong iwanan na kami ng aming ina. Ang gusto ko lang maaalala ay ‘yung mga magagandang pangyayari gaya ng, nakita kong tumulong at nakiramay ang mga kapatid ni Mama, ang buong barangay, ang bawat pamilya…at si Sabel na araw at gabi ay nasa bahay upang alalayan kami ni Freda sa aming mga pangangailangan.

                      Sa bahay na halos tumira si Sabel noong mga araw ng lamay ni Mama. Hihilain niya kami ni Freda para kumain, ipagtimpla ng gatas o kape. Siya din ang nangunguna sa mga nagsisilbi sa mga nakikilamay. Para namin siyang anino, kung saan kami, naroon din si Sabel. Siya ang nakakita kung paano kami umiyak, magdusa, masaktan. At ang mga ito ang dahilan kung bakit mula noong araw na ‘yun ay napamahal sa akin ng higit pa sa kaibigan si Sabel. Sa edad niyang 16 noon ay dalagang-dalaga na siya at ako naman sa edad na 17 ay binatang-binata na. Handa na akong magmahal noon, lalo na’t alam kong kailangan namin ng kapatid ko ng ibang taong magmamahal sa amin dahil wala na kaming ina,..at wala pa kaming ama.

                      Buhay pa yata ang ama namin, pero itinuring na rin namin siyang patay. Sino ba naman kasing anak ang gugustuhin pang magkaroon ng ama na kagaya niya?

      PLAY>S12                            XCLSBed09:Falling Behind

       

      CLS-13

                      Ang hirap ng naging buhay namin ng kapatid ko lalo na noong kamamatay pa lang ng aming ina. Pakiramdam ko noon ay wala nang katapusan ang kalungkutan naming magkapatid. Sinasamahan ko lagi ang si Freda sa kuwarto niya tuwing gabi dahil natatakot siya. Pumayat din ng husto noon si Freda dahil hindi nakakakain.     

                      Ako, bilang Kuya, pinilit kong itago ang kahinaan ko sa kapatid ko. Pero sa totoo lang, kapag nag-iisa ako’y umiiyak din ako. Lungkot dahil sa pag-iwan sa amin ni Mama, galit dahil nagkaroon kami ng amang iresponsable’t walang hiya.

                      Nililibang ko ang kapatid ko dahil ayaw ko siyang nakikitang nasusukluban ng lungkot at pagdadalamhati. Kapag may oras, isinasama ko siya kung saan-saan. Kumakain kami sa labas kahit pansit lang.

                      At may isang araw ngang nasa isang restaurant sa bayan namin sa Cabugao, kumakain kami ng pansit. May tumawag sa akin ng Junior. Paglingon ko, nakita ko si Mang Raffy. Isa sa mga kumpare ni Papa. Kasama niya ang asawa niya. Lumapit sila at ang sabi niya sa asawa niya;

       

                      “Anak ito ni Kumpareng Fausto. Oh, nasaan na ang tatay mo ha Junior?” Nagkatinginan kaming tatlo noon.

       

                      “Wala na po siya. Baka nasa impiyerno na!” Ang kapatid kong si Freda ang sumagot. Tumawa si Mang Raffy noon bago siya nagpaalam upang umupo sa isang upuan.

       

                      “Naka-kabit kasi sa pangalan mo bilang Junior ang pangalan ng Papa ninyo. Bakit ‘di mo na lang i-change ang nickname mo? Gawin na lang nating Austin. Sosyal pakinggan at minimal ang connection sa real name niyo ng Papa mo…” Ito ang narinig kong suggestion ni Sabel.

       

                      “Tama Kuya. Kasi baka may bad vibes pa sa’yo ang patuloy mong paggamit sa pangalan ni Papa. Austin na lang….”

       

                      “Sige. Austin na lang….” Sang-ayon ko naman sa kanila. Noong mga panahong ito, kahit siguro sinong pinakamabait na anak ay pipiliin niyang kalimutan ang kaniyang ama. Si Papa na ama namin ni Sabel, masasabi kong isa sa pinakamasamang ama sa buong mundo. Kaya kung bakit nagdesisyon akong pandirihan ang paggamit sa pangalan niya, alam kong mauunawaan niyo.

       

      PLAY>S13                            BonCLSBed11:Sad Piano

       

       

      CLS-14

                      Nagtapos ako ng High School pero isinara ko na ang pag-asang makakapag-college pa ako. Nagtrabaho ako bilang boy sa grocery sa bayan noong una. Tumagal ako doon ng pitong buwan. 2 thousand lang kasi ang suweldo. Noong sumapit ang anihan at umani si Mang Carlos, kumuha ako ng tricycle na hulugan. Namasada ako habang nag-aaral si Freda. 4th year na siya noon sa High School.

                      Kinontrata ko ang tatlong estudyanteng taga-Baclig bilang service nila. Lingguhan ang bayad nila. Kasama din sina Freda at Sabel sa mga inihahatid-sundo ko sa eskuwela. Hindi ko sinisingil si Sabel. Kahit nagbabayad siya ay hindi ko tinatanggap dahil noon ay may puwang na nga siya sa puso ko.

                      Kaso, biglang dumating sa buhay ko si Arianne. Isa siyang sales lady sa grocery store sa tabi ng parkingan namin ng tricycle. Maputi at maganda si Arianne. Mabait pa. Siya ang dahilan kung bakit bumili din akong CP kasi minsang may kinuha ako ng grocery na pinabili ng may-ari ng sari-sari store sa baryo, tinanong ni Arianne ang CP number ko. Kaso wala akong naibigay sa kaniya. Agad kasi akong naakit sa kagandahan ni Arianne noon, lalo ang kaniyang matamis na ngiti.

                      Kaya noong may cellphone na ako ay nagpunta ako sa kaniya at sinabi kong may CP na ako. Kaso ang sagot niya;

                      “Wala ka namang kukuning grocery….” Napatingin ako sa kaniya kasi hindi ko siya maintindihan.

                      “Kaya ko tinanong ang CP number mo noon para may contact kami sa’yo in case na mawala o magkulang ang grocery na inangkat mo….” Sabi niya. Noon ay napahiya ako sa sarili ko kasi inakala kong may gusto siya sa akin. Nag-sorry ako. Ngumiti lang siya pero nagkalakas loob naman akong kunin ang CP number niya kaso ang sagot niya;

                      “Saka na lang. May boyfriend pa kasi ako ngayon eh….”

      PLAY>S14                            CLSBed:Fur Elise

       

      CLS-15

                      Pero dahil siguro sa dalas ko siyang makita at makausap lalo na kapag naghihintay kami ng pila sa paradahan, nahulog din ang loob sa akin ni Arianne. Hanggang sa siya pa mismo ang nanghingi ng number ko. Mula noon ay nagtetext na kami pero hindi ko sinasabi kina Sabel at Freda ang tungkol kay Arianne.

                      Basta ang alam ko, in-love na ako noon kay Arianne.

                      May isang linggong nagsimba kami nina Sabel, Freda at ako. Kaakbay ko si Freda palabas ng simbahan. Ganon kasi kami ng kapatid ko, kung hindi ako ang naka-akbay sa kaniya, siya ang naka-akbay sa akin. Pero nung time na ‘yun, ako ang naka-akbay kay Freda. May makakasalubong kaming tatlong lalaki noon. Biglang nagsalita si Freda;

                      “Mon! Mon!” Tawag niya sa lalaking hindi naman namansin sa kaniya.

                      “Bakit ganon ‘yun? Isnabero?” nagtatakang tanong ni Freda kay Sabel. Ang sagot ni Sabel;

                      “Pano naman kasi, ang sweet niyong magkapatid. Eh hindi naman kilala ni Mon si Austin. Nagselos siguro, baka akala niya BF mo yang Kuya mo!” Noon ay biglang inalis ni Freda ang braso ko sa balikat niya.

                      “Kuya naman kasi, akbay ng akbay!” Nakasimangot niyang sabi.

                      “Teka, teka. Sino naman yung Mon na ‘yun at saka ikaw Fred,..nagpapaligaw ka na ba?” Kunwari galit kong tanong. Ngumiti si Fred saka umakbay sa akin saka sinabing;

                      “Eh Kuya,..magse-17 naman na ako diba? Saka mabait naman si Mon….” Ako naman ang tumanggal sa braso niya sa balikat ko.

                      “Di ka pa graduate ng High School Fred,..hindi pa puwede!” Madiin kong sabi saka ko binilisan ang lakad papunta sa tricycle ko. Sumunod naman silang dalawa pero nakasimangot si Freda at bumubulong-bulong. Hinayaan ko lang at pinanindigan ko ang paggalit-galitan ko.

                      May pangarap kasi ako para sa kapatid ko. Gusto kong matupad niya ang pangarap niyang maging Nurse, at handa akong gawin ang lahat para sa kaniya. Kaya ang pakikipag-boyfriend o pakikipagligawan noon niya ay hindi aprub sa akin. Hassle yun para sa mga plano ko sa aking mahal na kapatid. Ang gusto ko,..deretso siya sa maliwanag na kinabukasan, magandang buhay…iyon ang pangarap ko para sa aking kapatid.

      PLAY>S15                            Lipad Ng Pangarap      Regine & Angeline

       

      CLS-16

                      Nag-ipon ako Kapuso para sa pagaaral ng kapatid ko. Sa kinikita ko sa pamamasada araw-araw, nagtatabi ako ng kalahati sa aking alkansiya. Isang malaking garapon ‘yun na may taas na 14 inches at nasa 8 inches ang diameter. Dahil malinaw o transparent ang garapon ay nakikita ko kung gaano na kadami ang laman nito.

                      Naka-ibabaw lang yun sa mesa tabi ng katre ko. Alam din nina Sabel at Freda ang tungkol sa garapon na ‘yun kasi kapag pagod ako ay si Freda ang inuutusan kong mag-deposit ng kita ko sa garapon. Pinakamababang deposit ko sa isang araw ay 150 pesos. Pinakamalaki ay 500, depende sa kita sa araw-araw.

                      Minsan nga, pumasok silang dalawa sa kuwarto ko. Nakahiga na ako noon kasi tapos na kaming maghapunan. Yun pala, may balak silang mag-attend sa sayawan sa kabilang baryo at kaya sila pumasok ay para magpaalam sa akin o magpahatid sa akin.

                      Noon ay nakita ni Sabel ang garapon ko at narinig ko siyang nagsalita;

                      “Engga! Ang dami mo nang pera Austin….” Palatak niya.

                      “Para sa pag-aaral ko yan best,..iniipunan niya!” Sagot naman ni Freda.

                      “Pag walang tao dito, naiiwanl ang diyan yan?” tanong pa ni Sabel.

                      “Oo. Wala namang pumapasok na ibang tao dito sa bahay pag wala kami eh…”

                      “Eh pano pag sirain nila ang pinto?”  Sa mga narinig ko kay Sabel ay nagkaroon ako ng takot. Mula noon ay itinatago ko na sa loob ng cabinet ko ang aking garapon. Naisipan ko ring mag-bukas ng account sa banko sa bayan noon pero sabi ng mga kaibigan ko’y kailangan daw ng dalawang valid ID. Isa lang kasi ang ID ko, school ID lang pero expired na rin noon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-bukas ng bank account.

      PLAY>S16                            BonCLSBed2012:Guitar Mellow

       

      CLS-17

                      Nakapag-enroll si Freda ng Nursing sa Laoag City pero noon ay boyfriend na niya si Mon. Pareho sila ng school pero iba daw ang kurso ni Mon. Pinayagan ko nang makipag-boyfriend ang kapatid ko kasi, alam ko naman na hindi ko ‘yun puwedeng ipagkait sa kaniya. Kinausap ko rin ng masinsinan si Mon noon at nagkaroon naman ako ng tiwala sa kaniya matapos kong mapatunayang mabait nga din si Mon.

                      Si Arriane naman ay biglang lumipat ng grocery store na pinagta-trabahuan. Napunta siya sa Grocery sa highway kaya para makita ko siya’y kailangan ko na siyang sadyaing puntahan doon. Hindi pa rin niya ako sinasagot noon, pero ramdam kong nagpipigil lang siya.

                      Si Sabel naman, nahinto ng pag-aaral at nagbukas na lang ng maliit na sari-sari store sa harap ng bahay nila. Inutang daw ng Mama niya sa bombay ang puhunan sa sari-sari store. Madalas ay kaming dalawa ang umaangkat ng mga paninda niya pero pansin kong hindi masaya si Sabel sa buhay niya noon. Halatang nangiinggit siya sa kapatid kong si Freda na nakakapag-aral ng college sa Laoag.

                      “Parang gusto ko na tuloy mag-asawa…” Narinig ko minsan ito kay Sabel. Napatitig ako sa mukha niya noon pero kaagad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko noon ay parang pinaringgan niya ako.

                      “Bata ka pa masyado Sabel…” Sabi ko.

                      “Wala naman akong gagawin sa buhay ko eh. Naboboring na nga ako,..at si Mama, engga sa kasungitan. Dalawa lang siguro Austin. Mag-aasawa ako kaagad o maglalayas ako…”

                      “Maglalayas ka? San ka naman pupunta?”

                      “Bahala na! Basta ang alam ko, hindi na ako makakatagal sa pesteng baryong ito Austin. Engga na ako sa pagkaboring! Enggang-engga na!”

      PLAY>S17                            Koryx [4]

       

      CLS-18

                      Nakatagal pa naman si Sabel sa baryo ng kulang isang taon. Nag-celebrate siya ng debut niya na pansit lang ang handa niya pero nabigyan ko siya ng regalong shoulder bag. Pero ang sabi niya;

                      “Sana yung mas malaking bag na lang regalo mo Austin. Yung puwedeng gamitin sa paglalayas ko….”

                      “Lagi mo naman sinasabi yan,..di mo naman tinutuloy!” biro ko sa kaniya.

                      “May tao kasi diyan na ayaw kong iwanan!” ganito ang sagot niya pero hindi nakatingin sa akin.

                      “Sino naman?” tanong ko kahit may pakiramdam akong ako ang tinutukoy niya.

                      “Ewan. Manhid lang kasi siya!” ganito ang sagot niya.

                      “Hindi naman siguro manhid yun. Baka nahihiya lang…” Sagot ko. Napalingon siya sa akin, deretso sa mata ko ang titig niya.

                      “Nahihiya nga kaya,..o baka may gusto siyang iba….” Sabi niya. Naisip ko si Arianne noon pati ang kung ilang taon ko nang pangungulit kay Arianne.

                      “Wala siyang gustong iba….” Sagot ko.

                      “Talaga? Eh bakit hindi pa siya nanliligaw?” tanong ulit ni Sabel.

                      “Eh…naghahanap siguro ng tamang timing….”

                      “Ano pang timing ang hinahanap niya?” sagot niya. Pero ang sagot ko naman;

                      “Ano ba kasing nagustuhan mo sa kaniya? Mahirap lang siya, broken family pa?” Noon ay sandaling nanahimik si Sabel. Pinagmasdan ko siya habang nakayuko, simple ang kaniyang kagandahan pero aminado akong may lugar siya sa puso ko. Noon ay itinaas niya ang kaniyang mukha at deretso ang tingin niya sa mga mata ko;

                      “Mahal ko kasi siya,..noon pa. Siya ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit nagtitiis ako dito,..at kahit gusto ko nang lumayas ay pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong malayo siya sa akin….” Ako noon ang sumuko sa titigan namin ni Sabel. Alam kong ako ang tinutukoy niya pero hindi ko nagawang ihayag ang damdamin. Hindi naman dahil naduwag ako kundi, sa tingin ko hindi pa ako handa. Kaibigan namin siya, alam lahat ng mga tao sa Baclig ang closeness namin ng kapatid ko sa kaniya. At hindi ako handang mabago ng impresiyon ng mga tao sa relasyon namin ni Sabel. Kung talagang kami,..siguro darating ang tamang panahon para maging kami. Kung maglalayas siya,..iiwan niya ako bahala siya. Kung kami ang nakatadhana, magkikita ulit kami. Kung hindi na,..eh di hindi kami.

      PLAY>S18                            Saan Darating Ang Umaga      Angeline Quinto

                                     

      CLS-19

                      Inisip kong hindi si Sabel ang nakalaan para sa akin kundi si Arianne. Naisip ko ito nang minsang madaan ako sa pinagta-trabuhuang grocery ni Arianne at may pakiusap siya sa akin. Samahan ko daw siya sa Tita niya. Sunduin ko daw siya bandang alas sais ng gabi.

                      Sinundo ko nga siya. Medyo malayo ang pinuntahan namin at pagdating namin sa bahay ng Tita niya, tinanong ng Tita niya kung sino ako. Boyfriend mo? Tanong pa ng Tita niya. Ang sagot ni Arianne.

                      “Oo Tita, boyfriend ko…”

                      Noong pauwi na kami ni Arianne ay sinabi niyang makikitulog daw siya sa amin kasi pihadong pinagsarhan na siya ng tirahan nila dahil nga stay-in siya sa bahay ng amo nila. Isinama ko nga siya sa bahay at parehong nagulat sina Sabel at Freda noong dumating kami ni Arianne. Si Sabel ay bigla na lang umalis. Si Freda naman ay walang imik. Pinatulog ko si Arianne sa kuwarto ko at ako ay natulog sa kuwarto ni Mama pero hindi ako kaagad nakatulog dahil iniisip ko si Sabel. Bigla kasi siyang umalis at alam ko kung ano ang takbo ng isip niya.

                      Kinaumagahan ay inihatid ko rin si Arianne sa bahay ng boss nila sa bayan at nabigla ako noong bigla akong halikan ni Arianne sa pisngi ko bilang tanda raw ng pasasalamat niya sa mga ginawa ko para sa kaniya.

                      Wala akong sinabi kay Arianne dahil ang totoo ay naguguluhan ako noon. Sa loob ng mga oras na magkasama kami ni Arianne parang nabawasan ang pagtingin ko sa kaniya. May mga ugali siyang hindi ko gusto. Oo, maganda siya. Mas maganda siya kesa kay Sabel pero kung sa ugali, wala siyang panama kay Sabel.

                      Noong nasa baryo na ako’t kasalukuyang tinatahak ang kalsada papunta sa aming purok, nakita ko si Sabel. Nakatalukbung siya ng malaking scarf na black pero may design na kulay Pink na dragon. Maalikabok kasi sa parteng ‘yun dahil ginagawa ang kalsada. Hinintuan ko siya. Pinasakay ko. Sumakay naman at ang sabi niya’y pupunta nga daw siya sa bahay.

                      Bakasyon kasi noon kapuso at hindi naman nag-summer si Freda kaya lagi ito sa bahay. Pinakiramdaman ko si Sabel noong kung tampo o galit siya sa akin pero parang wala namang nagbago. Tuloy ay inisip kong parang OK lang sa kaniya na makipagrelasyon ako kay Arianne. Bahagya akong nasaktan o nainsulto dahil sa base sa kilos ni Sabel, parang…wala siyang pakialam kong magmahal ako ng iba. Tuloy ay inisip kong baka hindi ako ang lalaking tinutukoy niyang mahal niya at hindi niya kayang iwanan…

      PLAY>S19                            CLSBed:Fur Elise

       

      CLS-20

                      Nung sumunod na Lunes ay nakuha ko na ang Drivers License ko. Dahil doon ay mayroon na akong valid ID at makakapag-bukas na ako ng account ko sa rural bank sa bayan at hindi na ako sa garapon magtatago ng pera.

                      Noong araw na ‘yun ay nagpunta ng Laoag si Freda dahil nagpa-enroll siya. Binigyan ko siya ng pera pero hindi ko kinuha sa garapon dahil sa pinagbentahan ng ani ni Mang Carlos ko kinuha ang pang-enroll ng kapatid ko. Sinabi rin niyang hindi siya uuwi dahil matutulog siya sa boardinghouse nila kasi aabutin pa ng hanggang bukas ang pagpapa-enroll niya.

                      So nung araw na ‘yun ay namasada ako hanggang gabi, pasado alas siyete na ako umuwi ng bahay pero nagulat ako dahil bukas ang pinto ng kuwarto ko. Bigla akong kinabahan, at noong buksan ko ang cabinet kung saan ko itinatago ang garapon, wala ang garapon. Noon na ako natakot at noong lumakad ako papuntang kusina, bukas ang pinto ng kusina at nakita ko ang garapon sa ibabaw ng lababo, wala na itong laman. Wala na ang pera ko!

      PLAY>S20                           Koryx [4]

       

      CLS-21

                      Sa labas ng pinto ng kusina, may nakita akong tela. Yung scarf ni Sabel. Nagtaka kung bakit nandun ang scarf ni Sabel. Ayaw kong pagdudahan  si Sabel na nagnakaw ng pera ko sa garapon, madami ‘yun. Mahigit kumulang 60 thousand pesos ang laman ‘nun. Iba na ang kabog ng dibdib ko noon. Hanggang sa sumakay ako ng tricycle ko dala ang scarf ni Sabel. Nagpunta ako sa bahay nila pero yung lang pamangkin ni Sabel ang nandun noon. Agad kong tinanong si Sabel sa kaniya pero ang sagot ng bata;

                      “Wala na si Tita ko. Naglayas na siya…” [Thud]

                      Noon ay gusto ko nang maniwalang si Sabel ang nagnakaw ng pera ko. Paalis na ako nang dumating ang Uncle Donat,..uncle ni Sabel.

                      “Wala ba si Sabel sa inyo?” ito ang tila nenerbiyos na tanong niya sa akin.

                      “Kaya nga ako nandito kasi hinahanap ko rin siya!” sagot ko. Nagmura si uncle Donat. “Siya lang ang nakakapasok sa bahay, kaya siguro siya ang nagnakaw ng cellphone ko!” ito ang sumunod kong narinig sa Uncle ni Sabel. Noon kapuso ay napapailing na ako, hindi ako makapaniwalang nagawa si Sabel ang magnakaw sa uncle niya at lalo na sa amin. Itinuring namin siyang hindi na ibang tao sa amin pero yung ginawa niya, grabe. Hindi ko ‘yun halos kayang paniwalaan~!

      PLAY>S21                            CLSBed:Creeping Danger

       

      CLS-22

                      Noong tawagan ko si Freda para ibalita ang nangyari ay hindi siya makapaniwala. Halos maiyak ang kapatid ko noon dahil sa pagkawala ng pera namin pero hindi pa rin siya naniniwalang ang bestfriend niya ang nagnakaw. Kaso bigla siyang nalito noong sabihin ko sa kaniya na napulot ko ang scarf ni Sabel sa tabi ng pinto ng kusina na pinilit lang buksan gamit ang kutsilyo.

                      Nakiusap pa rin si Freda noon na huwag ko na lang ipagkalat ang nangyari. Ayaw daw niyang tuluyang masira ang kaibigan niya. Sinunod ko ang kapatid ko at wala nga akong pinagsabihan na nawalan kami ng pera. Masakit lang sa akin dahil kailangan ko nanamang magsimula ulit. 3rd year na sa Nursing si Freda noon pero back to zero ako sa pag-iipon, kung makakaipon pa.

                      Si Arianne naman, naging makulit noon. Lagi siyang nagpapasama kung saan-saan hanggang sa sumapit ang isang gabi na galing kami sa bahay kaibigan niya. Inutos niyang ihinto ko ang tricycle sa tabi ng highway sa tabi ng dagat. Sinunod ko siya. Hinila niya ang kamay ko at naglakad kami papuntang dalampasigan.

                      Nakaramdam ako ng init sa aking katawan sa pagkakahawak ni Arianne sa kamay ko at noong nasa tabi na kami ng dagat ay humarap siya sa akin saka nagtanong;

                      “Mahal mo ba ako Austin?”

                      “Oo!” ito ang mabilis kong sagot.

                      “Kung ganon,…pakasalan mo ako…” Napatitig ako sa mga mata niya matapos niyang sabihin ito.

                      “Ganon kabilis?” tanong ko.

                      “Kung talagang mahal mo ako,..hindi mo na kailangang magisip ng matagal Austin…” Sabi niya.

                      “Wala akong pera Arianne…” Sabi ko. Humakbang siya palayo sa akin. Tumigil at tumanaw sa dagat. Nilapitan ko siya at ang sabi ko;

                      “Mag-iipon muna ako. Konting hintay lang….” Sabi ko ngunit ang sagot niya.

                      “Halika na. Uwi na tayo….” Malungkot niyan sabi. Halatang nawalan siya ng gana. Disappointed. Nalungkot din ako kasi…ni hindi ko man lang kayang pangakuan si Arriane. Umasa na lang ako noon na sana, unawain pa niya ako at bigyan pa ng pagkakataon.

      PLAY>S22                           Huwag Ka Lang Mawawala      Bugoy & Liezel

       

      CLS-23

                      Malabo talaga sa akin ang idea ng pagpapakasal dahil wala talaga akong pera noon. Hindi na ako nakakaipon dahil ang kinikita ko’y halos sapat na lang na pang-allowance ng kapatid kong noon ay nagi-intern na.

                      Pero may isang gabing umuwi ako, nagtaka ako dahil may ilaw sa bahay samantalang miyekules naman noon at alam kong nasa Laoag si Freda. Pagbukas ng pinto, nadatnan ko si Freda na nanonood ng TV pero may nagluluto sa kusina, lalaki. Si Mon, ang boyfriend niya.

                      “Bakit nandito kayo?” tanong ko kay Freda. Pero sa halip na sumagot si Freda ay tinawag niya si Mon. Agad namang lumapit si Mon pero halatang may takot.

                      “Eh Kuya, may sasabihin kami sa’yo…” Alumpihit na simula ni Freda. Noon pa lang ay kinabahan na ako.

                      “Magsasama na kami ni Mon…”

                      “Bakit?” pasigaw kong tanong pero lumapit na ako kay Mon.

                      “Eh Kuya,…buntis ako….” [Koryx 4] Pagkarinig ko ng sinabing ‘yun ni Freda ay kaagad umigkas ang kamao ko deretso sa mukha ni Mon. Hindi lang isa kundi dalawang suntok ‘yun pero hindi siya nanlaban. Inawat ako ni Freda pero pati siya nasampal ko. Umiiyak silang pareho pero noong humupa ang galit ko ay nagsisisi ako sa pananakit ko sa kanila…pero talagang disappointed ako kay Freda. Sobra. Sinayang niya ang mga pangarap namin para sa kaniya.

      PLAY>S23                           CLSBed:Fur Elise

       

      CLS-24

                      Sa madaling salita kapuso ay naunahan pa akong nag-asawa ng kapatid ko. Bago pa lumaki ang kaniyang tiyan ay nagpakasal sila. Matino naman ang kanilang kasal dahil ginastusan ng Ate niya Mon na isang Nurse sa England. Hindi nga lang ito nakauwi.

                      Nagsama sina Mon at Freda sa bahay. Tumigil ng pag-aaral si Freda pero nagpatuloy si Mon, umuuwi siya araw-araw dahil mayroon naman syang scooter na siyang service niya.

                      Napapamahal na rin sa akin si Arianne noon dahil sa dalas naming magkasama ngunit lalong lumabo ang hinihiling niyang kasal dahil kakakasal lang ng kapatid ko. Hindi naniniwala sa sukob si Arianne, gusto pa rin niyang makasal kami kahit daw sa huwes lang. Gusto na raw niyang lumagay sa tahimik.

                      Sa totoo lang Kapuso hindi ko gaanong kilala si Arianne. May pakamisteryosa siya sa akin dahil kapag magkasama kami, madalang siyang magsalita. Kadalasan ay nakalutang ang isip niya na para bang may malalim siyang iniisip pero kapag tatanungin ko naman ay sasabihin niyang wala.

                      Kaya lang may isang gabing sinundo ko siya sa grocery pero sinabi ng mga kasama niyang hindi raw siya pumasok. Noon ay tinawagan ko siya. Sinagot naman niya pero iba ang boses niya. Para siyang lasing. Tinanong ko kung nasaan siya, nasa tabi daw siya ng dagat at kasama niya ang mga kaibigan niya. Pinuntahan ko siya. Nakita ko sila. Dalawang lalaki ang kasama niya at mag-isa niyang babae at kitang-kita kong yakap yakap siya ng isang lalaki.

                      Hindi ko na sila nilapitan pa. Nagtext siya.

                      “Akala ko pupunta ka dito?” tanong niya.

                      “Nagpunta ako pero hindi ako tumuloy dahil may kayakap kang lalaki…” reply ko.

                      “Gago, friend ko ‘to, si Mark….” Reply niya.

                      “Hindi ako tanga Arianne…” reply ko.

                      “Bakit sinabi ko bang tanga ka?” reply niya. Hindi na ako nagreply pero nagtext siya.

                      “Huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan Austin. Wala kang kuwenta, palibhasa wala kang pera!” Ganito pa ang text niya. Masakit sa akin ‘yun pero hinayaan ko na lang. totoo naman kasi, wala akong kuwenta. Wala akong pera. Dahil doon ay naalala ko nanaman si Sabel. Napapailing na lang ako. Naisip ko, ang tao talaga nasisira pagdating sa pera. Akala mo tupa, akala mo bestfriend mo, yun pala nanakawan ka.

      PLAY>S24                           XCLSBed08:Narrate Despair

       

      CLS-25

                      Noong Mahal na Araw noong 2010, dumating ang Ate ni Mon galing ng England at kasama niya ang boyfriend niyang puti at isang British na babae. Nagpunta sila ng Pagudpod nung Huwebes Santo. Isinasama ako pero hindi ako sumama dahil may paniniwala ako na hindi dapat nagsasaya kapag mahal na araw.

                      Pero noong Sabado De Gloria ay nagyaya silang maglibot ng Cagayan. Tumitingin kasi ang British ng mga Tourist Spot at nakita nila ang Callao Caves. Nagdesisyon silang magbiyahe papuntang Cagayan at noon ay sumama naman ako. Madaling araw ay umalis na kami, pito kami sa Van na inarkila nila.

                      Hapon na noong makarating kami ng Callao Caves at matapos ng napakataas na akyatan ay hiningal kami pero ipinasa sa akin ni Mon ang Videocam dahil gusto daw niyang ivideo ko sila ni Freda.

                      Namangha din ako noong nasa loob na kami ng kuweba, maraming tao noon. Ako ang taga-video nila kaya’t hindi ko na napapansin ang ibang mga tao sa loob. Naka-focus kasi ang mata ko sa screen ng videocam.

                      Nagulat lang ako nang may marinig akong boses ng babae malapit sa akin.

      PLAY>S25                           PCLS [Austin] + Creeping Danger

       

      CLS-26

                      Yung salitang ‘engga’,..sa isang tao ko lang ‘yun narirnig at paglingon ko sa pinanggalingan ng boses, pakiramdam ko’y tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko nang makita ko si Sabel.

                      Pero bago ko pa siya matawag ay nakita na rin pala siya ni Freda at ilang saglit pa’y masaya na silang nagyakapan. Malaki na noon ang tiyan ni Freda at yun ang napansin ni Sabel. Maya-maya pa’y sa akin na sila nakatingin pero kung bakit masaya pa rin ang ngiti sa akin ni Sabel.

                      Kahit medyo madilim sa loob ay napansin kong pumuti at gumanda si Sabel.

                      “Uy, bakit ayaw mo yata akong pansinin…” Bati niya sa akin. Paano ko nga ba siya papansinin. Ang kapal naman ng mukha niyang siya pa ang magpapansin. Hindi ko siya hinarap pero hinila siya ni Freda ay kinausap niya ito. Maya-maya pa’y narinig kong napasigaw si Sabel.

                      “Ano? Ako magnanakaw?!” [Dandansoy]  Umugong ‘yun sa loob ng malaking kuweba. Pagkatapos non ay si Sabel na ang may akay kay Freda pero lumuluha na si Sabel at ang sabi niya;

                      “Paano naman ako nagawang pagbintangan Austin? Hindi ko ‘yun magagawa kahit kanino,…lalo na sa inyo….”

                      “Naiwan mo yung scarf mo sa pinto ng kusina namin at bigla kang nawala. Maiaalis mo ba sa akin na pagdudahan ka?”

                      “My God Austin, alam ng Diyos…hindi ko ‘yun ginawa. Naglayas ako, alam mo namang gagawin ko ‘yun diba? Lalo na noong malaman ko na may mahal ka nang iba. Yun lang naman ang hinintay ko,..ang malaman ko na hindi mo ako mahal…pero ang magnakaw, lalo na sa inyo…mas gusto ko pang mamatay na lang Austin kesa gawin ‘yun sa inyo. Alam niyo kung gaano ko kayo kamahal…bakit ko gagawin ‘yun?”

      PLAY>S26                           Esrtablish Dandansoy + BonCLSBed12:Narrate

       

      CLS-27

                      Gusto kong maniwala kay Sabel noon. Siya ang laman ng isip ko noong pauwi na kami ng Ilocos. Pero, madali lang umarte kung talagang gusto mong paniwalain ang tao. Maraming iniluha si Sabel sa harap namin pero sinong makakapagsabi kung umaarte lang siya.

                      Pinilit ko na lang burahin ‘yun sa isip ko kahit na, parang mahirap dahil…sa likod ng galit, ay hindi ko maitatangging na-miss ko si Sabel…at parang handa ko siyang patawarin at mahalin ulit. Ito ang bulong ng puso ko. Mahal ko siya pero paano mo ba mamahalin ang babaeng nagnakaw sa’yo?

                      Pagdating namin ng bahay ay kaagad sumalubong sina Uncle Roman at may balita sila;

                      “Dumating ang Papa…” Sabi ni Tito sabay abot ng titulo ng lupa ni Mama na nawala noon.

                      “Siya pala ang nagnakaw nito,..pero hindi niya napakinabangan dahil nakapangalan sa Mama mo…” Noon ay kinuha ko ang titulo.

                      “Nahuli namin siya sa loob ng kuwarto mo, naghahalungkat sa cabinet mo…” Noon ay nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

                      “Parang may hinahanap sa cabinet mo…”

                      “Nasaan na po siya?” tanong ko.

                      “Andun yata sa kumpare niyang si Sebiyong Pagong…” Sagot ni Kuya Waldo. Noon ay may tumatak sa isip ko. Si Mang Sebiyo kasi ay Tatay ni Sabel..at magkumpare sina Papa at Mang Sebio.

                      “Kuya, samahan mo nga ako…” Pakiusap ko kay Kuya Waldo. “Puntahan natin si Papa…” Sabi ko pero bago ‘yun ay kinuha ko ang scarf ni Sabel. Tinupi ko yun saka ko pinagkasya sa  bulsa ko. Hindi lang si Kuya Waldo ang sumama kundi pati si Kuya Charlie at si Uncle Roman.

                      Pinuntahan namin si Papa at nakita ko kung gaano nagulat si Papa noong makita niya ako. Nag-iinuman silang dalawa noon. Matapos magulat si Papa noong makita niya ako ay sa iba na siya tumingin pero tinabihan ko siya at tinitigan ko sa mga mata niya.

                      “O anong kailangan mo?” tanong niya. Noon ay dinukot ko sa bulsa ko ang scarf ni Sabel at iwinagayway ko sa harap ng mukha niya. Lalo siyang nagulat.

                      “Sa anak ko yan ah?” narinig kong sabi ni Mang Sebiyo.

                      “Austin, alam mo ba kung nasaan ang anak ko?” Nerbiyos na tanong ni Mang Sebio. Noon ay tumayo ako sa harap nilang dalawa.

                      “Ito Mang Sebio ay nakita ko sa pinto ng kusina namin,..matapos mawala lahat ng inipon kong pera nasa nasa 60 thousand ang halaga. Dahil nakita ko ang scarf na ito doon, at biglang nawala si Sabel, pinagdudahan ko si Sabel na siya ang nagnakaw ng pera ko. Pero dati yun Mang Sebio. Isang tanong lang po,..nung araw na mawala si Sabel, kasama niyo ba ang Papa ko dito sa bahay niyo?” Noon ay nakita kong sandaling nag-isip si Mang Sebiyo.

                      “Oo. Nag-inuman kami noon…” Sagot niya. Noon ay hindi ko napigilang umagos ang luha ko pero nagawa kong tadyakan ang mono block na kinauupuan ni Papa.

                      “Ikaw ang nagnakaw ng pera ko! Hindi si Sabel!” Sigaw ko pero tumayo siya at akmang tatakbo pero hinarang siya ni Mang Sebiyo.

                      “Kaya pala marami kang pera nung araw na ‘yun. Siguro pati yung magandang cellphone ni Donat ikaw din ang nagnakaw!” Sigaw ni Mang Sebio habang hawak niya sa kuwelyo si Papa. Nagngingit-ngit ako noon kapuso, para akong sasabog sa galit kay Papa. Gusto ko siyang bugbugin,..gusto ko siyang patayin… pero nagpigil ako…dahil maraming tao at alam kong hindi magandang tingnan na ang anak, sinasaktan ang kaniyang ama.

      PLAY>S27                           XCLSBed09:Song From A Secret Garden

       

      CLS-28

                      Noong gabing ‘yun habang nenerbiyos pa ako pero nakahiga na ako sa kama ko ay pumasok si Freda.

                      “Kuya,..baka gusto mong tawagan si Sabel…” Sabi niya. Hawak niya noon ang phone niya.

                      “Sige, akin na ang number niya…” Sabi ko.

                      “Ito na lang phone ko ang gamitin mo. Naka-unli call ‘yan…” Sabi niya. Iniwan niya sa akin ang phone niya saka siya lumabas. Noon ay tinawagan ko nga si Sabel.

                      “Hello best…” Ito ang unang narinig ko kay Sabel, pero malungkot ang boses niya.

                      “Sabel,..si Austin ‘to….” [Narrate] Sabi ko pero hindi ko siya narinig na sumagot. Sa halik ay hikbi ang narinig ko sa kaniya.

                      “Sabel huwag ka nang umiyak. Alam ko na kung sinong nagnakaw ng pera. Patawarin mo ako kung napagbintangan kita….”

                      “Hindi ko naman talaga magagawa ‘yun Austin, lalo na sa inyo….”

                      “Patawarin mo ako Sabel. Patawad…”

                      “OK lang. Eh sino bang nagnakaw…”

                      “Ang walang hiya kong ama. Magkasama pala sila ng Papa mo noon at siguro, nakita ni Papa ang scarf mo,..kinuha niya yun para pantakip sa mukha niya noong pumasok siya ng bahay. Napakawalang-hiya ni Sabel…..”

                      “Pano ‘yun Austin,..alam ba ng mga tao diyan na ako ang pinagbintangan mo?”

                      “Hindi. Hindi namin ikinalat,…ayaw din namin na masira ka dito…”

                      “Mabuti naman kung ganon…”

                      “Patawad Sabel. I’m sorry…”

                      “OK na yun Austin. Ang importante,..alam mo na ang totoo….”

                      “Oo nga,..pero Sabel. May gusto ko pa akong malaman tungkol sa’yo…”

                      “Ano ‘yun?”

                      “Mahal mo pa ba ako?”

                      “Hindi naman nawawala ‘yun eh. Marami na akong nakilalang lalaki dito pero….ikaw pa rin talaga ang mahal ko….”

                      “Umuwi ka na dito Sabel. Magpakasal tayo….”

                      “Agad-agad?” tanong niya.

                      “Sabagay, wala pa pala akong ipon…”

                      “Ikaw na lang ang pumunta dito,..magsama muna tayo dito kung gusto mo. Maganda kasi ang trabaho ko dito Austin,..hindi ko sya puwedeng iwan. Katiwala ako sa tindahan. Mabait sa akin ang mga boss ko…”

                      “Ganon ba? Sige,..ako na lang ang pupunta diyan pero…promise mo, magsasama na tayo ha?”

                      “Oo. Pero sure ka ba?”

                      “Oo, sure ako. Bukas na bukas din,..babiyahe ako…”

                      “Parang nananaginip ako Austin…” Narinig kong sabi niya.

                      “Ako din Sabel,..pero hindi panaginip ‘to. Hintayin mo ako bukas…”

                      “Sige, basta promise mo darating ka ha?”

                      “Oo, darating ako. Mahal na mahal kita Sabel….” Sabi ko pero hindi ko siya narinig na nagsalita kundi iyak ang narinig ko.

                      “Uy huwag kang umiyak…” Sabi ko.

                      “Naiiyak nga ako…mahal na mahal din kita Austin…”

      PLAY>S28                           Heaven        DJ Sammy

       

      CLS-29

                      Nagsama nga kami ni Sabel sa isang paupahang kuwarto dito sa Tuguegarao. Noong una ay namasukan akong Secutiry Guard, nag-ipon lang kami at pagkatapos ng walong buwan ay umuwi kami ni Sabel at nagpakasal kami sa Cabugao, Ilocos Sur. Simpleng kasal lang. Tapos bumalik kami dito kasi hindi maiwan ni Sabel ang trabaho niya.

                      Ibinenta ko ang tricycle ko sa Cabugao pero bumili ulit ako ng iba na siyang kong pinapasada ngayon dito sa Tuguegarao. Noong December 2011 ay isinilang ni Sabel ang aming unang baby. Dumating naman si Nanay Bella, ang Nanay ni Sabel upang tulungan kami. Si Nanay Bella din ang nagalaga kay baby noong pumapasok na ulit si Sabel sa trabaho niya.

                      Kapag ending ko, ang trabaho ko ay maglaba ng damit namin. Mahirap na masaya kapuso pero mas lumulutang ang saya dahil nakabuo na ako ng sarili kong pamilya. Marami pa kaming pangarap, gusto naming magkaroon ng sarili naming bahay dito na siya naming pinagiipunan ngayon.

                      Puwede ko namang ibenta ang lupang minana ko kay Mama sa Cabugao kung gusto ko pero, parang hindi pa naman kailangan.

                      Nagtapos si Mon sa college noong 2010 at ngayon ay may maayos naman nang trabaho kaya bumalik na rin sa pag-aaral ang kapatid kong si Freda. Baka magtapos na rin siya sa October.

                      Si Papa, nagsasaka na ngayon sa Sinait. Tagaroon ang pangalawang asawa niya. Nagbago na raw pero hindi pa ako handang harapin siya. Darating din ako ‘dun pero sa ngayon, hindi ko pa talaga kayang tanggapin siya. Masyadong maraming sakit sa kalooban ko ang idinulot niya.

                      Hanggang dito na lang muna Kapuso at sana ay mabasa niyo rin ang kuwentong ito ng buhay at pag-ibig ko. Libangan ko ang makinig sa inyong programa tuwing Linggo kaya’t hiling kong sana ay mapasali din ang kuwento ko sa mga kuwentong bumida sa programa niyo.

                      Gumagalang at nagpapasalamat.

       

                      Austin

       

      PLAY>S29                           Everytime       a1

      Tagged: djbono, campus love stories, 89.3 fm campus radio tuguegarao, .
      http   05.20.12

      DOWNLOAD! Matt's Love Story

      Read on May 13, 2012 over 89.3 fm campus radio tuguegarao

      Tagged: DJ Bono, CAMPUS LOVE STORIES, 89.3 FM CAMPUS RADIO TUGUEGARAO, .
      05.13.12
      Zoom
      • audio
      [Flash 9 is required to listen to audio.]
      No information specified.
      Matt's Love Story Plug
      No information specified.
      CLS12 Collection
      No information specified.
      Lola Ow And Airchecker Xtian
      2,412
      Plays
      05.06.12

      DOWNLOAD Tina's Love Story. April 29, 2012

      Tina’s Love Story. Read by DJ Bono over 89.3 FM Campus Radio Tuguegarao on April 29, 2012

      Tagged: dj bono, campus love stories, 89.3 FM Campus Radio Tuguegarao, .
      04.29.12
      Zoom
      • audio
      [Flash 9 is required to listen to audio.]
      No information specified.
      Tina's Love Story Plug. April 29, 2012
      No information specified.
      CLS12 Collection
      No information specified.
      Papa Mokong & Mommy Orga
      1,908
      Plays

      Tina’s Love Story Plug

      Tagged: campus love stories, dj bono, viruzora57, 89.3 fm campus radio, .
      04.25.12
      Zoom
      • audio
      [Flash 9 is required to listen to audio.]
      No information specified.
      Orwan's Love Story Plug
      No information specified.
      CLS12 Collection
      No information specified.
      Keem Carwin & Kristian Brian Tagata
      1,757
      Plays

      Orwan’s Love Story Plug. April 22, 2012

      Tagged: campus love stories, dj bono, deardjbono, 89.3 fm campus radio, keem carwin tagata, kristian bryan tagata, .
      04.15.12
      Zoom
      • audio
      [Flash 9 is required to listen to audio.]
      No information specified.
      Alice's Love Story Plug
      No information specified.
      CLS12 Collection
      No information specified.
      Mommy Orga, Airchecker Eds, Casey
      1,345
      Plays

      Alice’s Love Story Plug

      04.11.12
       
      1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next page →