me Dear DJ Bono

The Official BlogStation of Campus Love Stories. CLS.

CLS is an FM Radio Program since 2001 airing over 89.3 FM Campus Radio in Tuguegarao City, Philippines. This program is created and hosted by Dj Bono; 89.3 FM's Program Director.

CLS owes its success to its listeners and letter senders who made the program undisputed number one in ratings since 2001.

Nico’s Love Story Part I

Dear Kapuso,

Just call me Nico. Short for Nicolas. I know there is a need for me describe my self so let me do it. I’m 5’7” tall, may mumunting muscles dahil ayaw pa akong payagan ng parents ko na mag-gym, nagti-yaga ako sa push ups at sit ups every morning, katamtaman ang kulay ng balat; hindi maputi, hindi rin maitim, guwapo? OK naman. Wala pa namang nagsabi na pangit ako, mas maraming nagsasabing guwapo ako pero hindi ako masyadong naniniwala. Para sa akin kasi, hindi bentahe sa isang tao ang itsura, lalo na’t wala naman sa pangarap ko ang mag-artista.

Mahilig akong mag-gitara, manood ng wrestling, football at National Geographic. Mahilig din akong makinig ng mga Alternative Music pero hindi hardcore. Mga tipong Maroon 5, Boys Like Girls, Simple Plan, RJA at Green Day, The Fray, Boys Like Girls, Avril Lavigne at Miley Cyrus. Pangarap kong maging Architect. Nagsimula ang pangarap na ito noong isama ako ng Mama ko sa Maynila. Dinalaw namin ang bestfriend niyang nakatira sa isang napakataas ng Condo sa Makati noong katatapos ko lang ng Grade 4.

Tumira kami doon ng isang Linggo. Namangha ako sa mga naggagandahan at nagtataasang gusali. Noong naitanong ko kay Mama kung sino ang mga gumagawa ng buidings. Sabi niya, mga Architects at Engineers daw. Pero kung bakit maganda ang mga buildings ay dahil sa mga Architects. Noon pa lang nasabi ko na kay Mama na gusto kong maging Architect. Pero ngayon, College na ako. Hindi Architecture ang kinuha kong kurso. Bakit? Mamaya ko na lang sasagutin.

PLAY>S1 Time Of Your Life Greenday

CLS-02

2002 noong magpunta kami ni Mama sa Makati. Buwan ng April ‘yun, bakasyon. After one week, umuwi kami dito sa amin,..may bago na kaming kapit-bahay. Nakatira kasi kami sa isang Aparment na pinatayo ni Papa noong makuha niya ang kaniyang mana kay Lolo. Apat na pintong apartment ito at sa amin ang unang pinto. Yung pangatlo at pang-apat na pinto, matagal nang inuupahan ng kaibigan din ni Papa. Yung pangalawang pinto, katabi namin,..pinaniniwalaang malas. Wala kasing nagtatagal sa paninirahan doon. Yung huli, mga babaeng nagta-trabaho sa beerhouse. Isang buwan lang sila. Umalis din. Kaya noong lumuwas kami ni Mama, bakante ‘yun. Pero after one week, pagdating namin ni Mama may nakatira na. At kilala ko ang babaeng nagwawalis sa harap noon. Si Maam Nora na dating teacher sa school namin. Agad ko siyang binati. Nakilala naman niyan ako. “Saan na po kayo nagtuturo ngayon?” tanong ko. “Principal na ako…” sagot niya. Sa baryong katabi ng bayan daw siya naka-assign. Dati ko nang alam na hindi taga-dito si Maam Nora kasi noong teacher pa namin siya ay nangungupahan lang siya sa bahay na malapit sa school. Paglingon ko sa pinto ng apartment nila, may nakita akong bata na nagwawalis sa loob. Cute na bata at nakangiti sa akin. “Sino po ‘yun?” tanong ko kay Maan Nora. “Ah,.si Quirette….” Sagot niya. “Anak niyo po?” tanong ko. Tumawa siya. “Hindi. Ano ka ba, paano ako magkakaanak eh wala naman akong asawa. Kapatid ko yan, bunso namin…” Muli ay napalingon ako sa batang babae na noon ay lumapit sa amin at nakangiti pa rin at sa akin nakatingin. “Hi. Ako si Quirette. Ikaw, anong name mo?” tanong niya. “Nico..” sagot ko pero hindi ako ngumiti. May hawak kasi siyang manika at parang sa tingin ko ay ka-edad ko lang siya at masyado na siyang matanda para maglaro ng manika. “Gusto mo maglaro tayo..” sabi niya. Hindi ako sumagot sa halip ay nagpaalam ako kay Maan Nora. Sinabi ko na lang na may gagawin ako sa amin. Sinulayapan ko lang si Quirette noon. Nakangiti pa rin siya ay nagawa pa niyang magba-bye kahit na hindi na nga lang ako ngumingiti sa kaniya. Noong Grade 4 kasi ako, hindi na ako naglalaro ng mga larong pambata. Pamamasyal gamit ang bisekleta ang libangan ng mga barkada ko dito. Kung saan-saan kami nakakarating. Naliligo kami sa ilog at naglalakwatsa kami sa gubat. Kung minsan, naglalaro din kami ng gagamba. Nagpapalaban kami pero may pustahan. Pag talo ang gagamba mo, talo ka din. Karera ng bike, laro din namin. May pustahan din. Tapos biglang may batang magyayaya sa akin na maglaro ng bahay-bahayan? Ano siya, hilo? Maglaro siya mag-isa!

PLAY>S2 KB-Flop 1

CLS-03

Makulit si Quirette. Palibhasa walang ibang bata sa compound namin. Kami lang dalawa. Pareho kasi kaming bunso. Ilang beses pa niya akong niyayang maglaro ng bahay-bahay, pero ilang beses ko rin siyang tinanggihan at nilayasan. Nakokornihan ako sa kaniya kasi mag-ge-grade 5 na rin siya noon pero naglalaro pa rin ng manika. Noong bakasyon pa rin, dumating ang dalawang Ate niyang dalaga. Sa Bulacan sila nakatira dahil doon sila nag-aaral. Ang gaganda nila at para makit ako sila lagi ay pinagtiyagaan kong makipaglaro kay Quirette. Oo kapuso, nagka-crush na ako noon pero sa mga babaeng mas matanda sa akin gaya ng mga Ate ni Quirette. Kaya lang, ilang araw lang sila dito. Bumalik din sila ng Bulacan.

Naiwan si Quirette, ang Mama niya at si Maam Nora na panganay nilang kapatid. Noong wala na ang mga kapatid ni Quirette, hindi na ulit ako nakikipaglaro sa kaniya. Naiinis pa ako kapag pumupunta siya dito sa amin para makipaglaro. Tinataboy ko siya. Kaso talagang makulit hanggang sa maiinis na ako sa kaniya. Sisigawan ko at aawayin. Sisimangot lang siya pero hindi pa rin aalis. Kapag ganon, papagalitan naman ako ni Mama at pipilitin akong makipaglaro kay Quirette. Pero kapag ganon, mas gugustuhin ko na lang sumakay sa bike ko at lumayas kesa makipaglaro kay Quirette kulit.

Pero noong Grade 6 na kami pareho ni Quirette, nagbago na siya. Nag-mature na siya at iba na ang nakahiligan niya; ang tumugtog ng Violin. Regalo ni Maam Nora sa kaniya ang Violin na ‘yun noong 12th birthday niya. Ako naman, medyo marunong na akong mag-gitara noon kasi Grade 3 ako noong turuan ako ni Papa na mag-gitara gamit ang lumang gitara niya. Noong magtapos ng Elementary si Quirette, marami siyang handa. Nauna kasi ang graduation nila kasi sa school kung saan principal ang Ate niya siya nag-aral.

Ako naman, diyan lang sa Central. Naki-kain kami ng mga barkada ko noon sa handa ni Quirette at noon ko narinig kay Simon ang salitang; “Parang dalaga na si Quirette ‘tol oh. Ligawan ko kaya…” “E di ligawan mo,..bagay kayo niya kasi pareho kayong korni!” sagot ko. “Bakit ‘tol,..hindi mo ba type si Quirette. Maganda siya ah..” Sabad ni Tonyo, at ang sagot ko; “Mas maganda yung dalawang Ate niya ‘tol. Sana nga, magbakasyon sila ngayon dito…” Sabi ko kasabay nga ng pag-asawa na sana dadalaw ulit sina Ate Queenie at Ate Nene. Pero hindi ‘yun nangyari, dahil buong bakasyon ay si Quirette lang ang babaeng madalas kong makita sa terrace sa likod. May terrace kasi ang bawat unit ng apartment. Nasa 2nd floor ang mga terrace na ‘yun at noong magbakasyon ang mga Ate ni Quirette ay madalas ko silang makita sa terrace na ang iiksi ng mga shorts nila at ang puputi ng legs nila. Iyon ang nami-miss ko noong bakasyon na ‘yun, pero sa tuwing pupunta ako sa terrace namin, si Quirette na may hawak na Violin kaagad ang makikita ko. Ngingiti siya at magha-hi! Ako naman, sasagot ng ‘hello’ saka ngingiti ng peke,..pero aalis din agad ako dahil ayaw ko siyang maka-kuwentuhan ng matagal. Ayoko kasi ng mga topic na gusto niyang pag-usapan. Nakokornihan ako kaya lagi ay umiiwas ako kay Quirette.

PLAY>S4 Weightless All Time Low

CLS-05 High School.

Schoolmate na kami ni Quirette pero hindi kami magka-section. Nasa top section siya, natural lang dahil kasambahay niya ang Ate niyang principal at matandang dalaga. Ako naman, masaya na sa section 2. Kapag papasok at uuwi, magkasabay kami ni Quirette. Bilin kasi siya ni Maam Nora sa akin at ako naman, nahihiyang tumanggi kay Maam Nora. Naglalakad lang kami kasi medyo malapit lang ang High School dito sa amin. Mga 15 minutes lang na maglalakad. Hindi lang si Maam Nora ang nagsabing mabuti sa aming mga katawan ang regular na paglalakad, kundi maging ang parents ko. Dati, ayaw kong makasabay si Quirette. Laging akong nauuna sa kaniya ng mga ilang metro. Kasabay ko ang mga barkada ko at siya, kadalasan ay mag-isang nakabuntot lang sa amin. Mabagal kasi siyang maglakad. Ewan ko, nakokornihan talaga ako kay Quirette kapag kasabay ko siya. Kung ano-anong kinukuwento. Yung mga nababasa siya sa libro, pati mga telenobelang sinusubaybayan nila ni Maam Nora, kinukuwento niya sa akin. Eh wala naman akong ganang makinig sa mga ‘yun.

Binasa pa nga niya ang buong nobela ng Romeo & Juliet at binalak niyang ikuwento sa akin pero lagi kong binabara. Sabi ko; “Puwede ba, iba na lang ang ikuwento mo!” Sa halip na magkukuwento ng iba, tatahimik na lang saka sisimangot. Pero noong 3rd Year na kami, nakakita ako ng dahilan para pagtiyagaan siyang makasabay papasok ng eskuwela at pati pag-uwi. Ito ay dahil sumisikat ako dahil sa kaniya. Ang daming lalaki sa eskuwela ang nagkakagusto sa kaniya. Naiinggit sila sa akin dahil lagi kong kasabay si Quirette. Talagang gumanda kasi ng husto si Quirette noong 3rd year na kami.

Maliban dun ay matalino pa, laging nasa Top 10 sa Highest Section kaya naman ang daming lalaki talaga ang nahumaling sa kaniya, isa na dun si Jericho na siyang pinaka-astig na estudyante sa school namin noon. Maliban sa guwapo, mestisuhin at maporma, kabilang pa kasi si Jerico sa pamilyang may kaya. Maging barkada mo lang si Jerico,..astig ka na rin. Kaya nga gulat ako isang araw nang bigla siyang lumapit sa akin at nakipagkilala. ‘Yun pala, gusto lang niyang makipagkuwentuhan tungkol kay Quirette.

PLAYT>S5 Fireflies Owl City

CLS-06

Noong hapon ding iyon ay pauwi na kami ni Quirette nang bumusina ang scooter ni Jerico sa likod namin. Nakapagtatakang wala siyang angkas noon samantalang araw-araw, kung hindi barkada ang angkas niya ay chicks na maganda. Pagtapat niya sa amin; “Gusto niyong umangkas? Kasya tatlo dito?” sabi niya. Ako gusto kong umangkas kaya sabi ko; “Oo ba!” Pero si Jerico ay nakatingin kay Quirette na pasimple lang namang nakangiti.

“Uy, angkas na tayo…” sabi ko kay Quirette pero ang sagot niya; “No thanks. Ikaw na lang…” Dahil doon ay hindi na rin ako umangkas dahil alam kong pag nauna akong nakauwi ay tatanungin ni Maam Nora kung bakit hindi ko kasama ang kapatid niya. “Ang korni mo talaga Quirette,..kahit kailan!” sabi ko noong makaalis na si Jerico matapos mapahiya sa pagtanggi ni Quirette sa kaniya. “Bakit ako aangkas dun? Hindi naman kami close…at saka isa pa, walking is the best exercise…” sabi niya. Dahil doon ay binilisan ko ang lakad ko para hindi marinig ang susunod na sasabihin niya. “Uy,..bakit ang bilis mong lumakad!” sigaw niya. “E diba walking is the best exercise? Binibilisan ko para hindi lang best ang makukuha ko kundi best of the best of the best!”

PLAY>S6 Misery Maroon 5

CLS-07

Noong sumapit ang bakasyon matapos ng 3rd Year namin sa H.S. sobra akong naburo dito sa amin. Si Mama, kinuha ng ate kong nanganak sa Batangas. Hindi ako pinayagan ni Papa na sumama dahil wala siyang kasama kundi ang katulong lang. Kung may magpapasaya man siguro sa bakasyon ko noon, ito ay kung magbabakasyon dito ang dalawang kapatid ni Quirette na mga seksi at magaganda. Kahit siguro buong maghabapon akong tatambay sa terrace kapag nandun sila at naka-shorts ng maiksi. Hanggang noon ay talagang hindi naaalis sa isip ko ang kaseksihan nila, ang mga mapuputi nilang hita at astig nilang porma kahit nakapambahay lang. Nagtataka nga ako kung bakit hindi man lang nahawa si Quirette sa husay pumorma ng mga Ate niya. Si Quirette ay napaka-baduy. Kapag nasa bahay, naka-jogging pants o pajama at naka-t-shirt ng maluwang at mahaba ang manggas. Samantalang mga ate niya, naka-spaghetti strap at angmga shorts nila, hapit na hapit na ang iksi pa. Talagang bakat na bakat sa dapat bakatan,..kaya naman nakakalibang ang silang panoorin. Kaso, Abril na,..wala pa sila. At noong tanungin ko si Quirette kung uuwi ang mga Ate niya ang sagot niya; “Ewan, hindi yata…” Dahil ‘dun ay tinanggap ko na lang na hindi magiging makulay ang Summer Vacation ko. Laging si Michael ang kasama ko noon at pero dahil kay Michael ay nakilala ko si Janine.

Si Janine ay pinsan ni Susie na girlfriend ni Michael. May itsura si Janine, maputi, may dimples pero medyo chubby. Taga Aparri si Janine at nagbabakasyon lang siya dito sa amin noon. Mas matanda siya ng isang taon sa amin kasi graduate na siya ng H.S. samantalang kami ay 4th year palang sa pasukan. Niligawan ko si Janine at hindi man lang ako nahirapan. 5 Days lang kami na. Hanggang sa dumating ang isang gabing nagyaya silang mamasyal sa ilog. Bilog kasi ang buwan noon. OK lang naman kami ni Janine habang nagkukuwentuhan sa ibabaw ng bato, nang masulyapan ko ang ginagawa nina Michael at Susie. Napalingon din si Janine sa kanila saka tumingin sa akin at ngumiti. Nagulat ako sa sinabi niya sa kaniyang seksing boses; “Nico,..hindi ka ba naiinggit sa kanila?” Napalunok ako noon kapuso lalo na’t dumusog pa siya upang lalong mapalapit sa akin. Kahit sobra ang pagtahip ng dibdib ko noon ay sununggaban ko na ang mga labi niya. Napakatagal na halikan ang naganap at habol ang aming hininga noong kami maghiwalay. Paglingon namin, wala na sina Michael at Susie. Muli kaming nagkatitigan ni Janine at siya pa mismo ang nagsabing; “Maghanap din tayo ng private place…”

PLAY>S7 CLS Bed:Misty 

CLS-08 First time ko ‘yun. At hanga ako sa husay ni Janine. Alam kong hindi ako ang una sa kaniya kahit na kunwari ay umaaray-aray siya. Ewan ko lang kung talagang napa-aray ko naman siya. Kaso, talagang hindi ko makakalimutan ang gabing ‘yun sa ilog. Kaya lang, parang pinatikim lang ako ni Janine. Bigla na lang siya nawala ng hindi man lang nagpapaalam. Sabi ni Susie, biglaan daw ang pagsundo sa kaniya ng Mama niya. Lumuwas daw sila dahil sa Maynila na mag-aaral si Janine, hindi gaya ng unang akala niyang diyan lang siya sa Tuguegarao mage-enroll. Nanghinayang ako dahil hindi na ako makaka-ulit kay Janine. Nakaka-takam pa naman sanang ulitin lalo na’t sa mga text niya ay parang lagi siyang naghahamon. Kaya lang noong pasukan na, bigla na lang tinamad mag-text si Janine. Hindi na siya nagrereply at noong magkaload ako ng medyo malaki, tinawagan ko. Can not be reached na. Pati daw kay Susie, hindi na rin nagtetext. Ewan ko kung mahal ko na si Janine noon. Nasaktan kasi ako sa ginawa niya,..pero mabuti na lang at natuon sa iba ang atensiyon ko. Bigla na lang may pinagkaguluhan ang mga lalaki sa school, isang bagong estudyanteng babae. Transferee, 3rd year….maganda, maputi at napaka-seksi. Ang pangalan niya ay Jenny. Unang araw ng pasukan noon. Napa-iksi ng maong na palda niya, saka pink na sleeveless ang blouse. Dark Brown ang buhok niya at mapula ang labi. Well, naka-lipstick siya, at manipis na make-up pero sa tingin naming lahat, para siyang artista. Lahat ng lalaki,..napapalingon kay Jenny. 3rd year pa lang siya pero parang 18 years old na. Matangkad kasi, mga 5’4” ang height at ayos ang kurbada ng katawan. Noong araw pa lang na ‘yun, first day ng klase. Ilusyon na namin siya. Pati si Michael na akala ko loyal kay Susie,..nagbalak ding dumiskarte. Kaso noong uwian na ng hapon. Lahat kami, nawalan ng pag-asa,..noong makita naming ang pangarap naming si Jenny ay napakaseksi sa pagkaka-angkas sa scooter…. ni Jerico.

PLAY>S8 Shattered O.A.R.

CLS-09 Muli,..inggit ang nadama namin kay Jerico. “Bakit kasi hindi tayo naging kasing-guwapo ni Jerico eh!” palatak ni Michael. Hindi na lang ako umimik. Talaga naman kasing walang makaka-talo kay Jerico pagdating sa chicks. Lalo na’t muli nanaman niyang pinatunayang walang babaeng hindi niya nakukuha,..gaya na lang ni Jenny. Sa mga babae naman, alam kong lahat sila ay naiinggit sa ganda at kaseksihan ni Jenny. Pati nga si Quirette, napahanga. Nasambit niya ang paghanga niya noong pauwi na kami at magkasabay na naglalakad.

“Bagay sa kaniya ang pink ‘noh,…kasi maputi siya…” Sabi niya. “Ewan. Hindi ko napansin kung bagay sa kaniya ang pink,…ang napansin ko, bagay sa kaniya ang maiksing damit kasi lumitaw ang balikat niyang maputi…saka yung legs niya…” “Kaya nga lalo siyang pumuti because of the pink…” sagot niya. “Eh bakit nga ikaw Quirette. Maputi ka naman,…siguro magkasing-puti lang kayo ni Jenny eh,..kapag nagsusuot ka ng pink hindi ka naman sumeseksi kasi nga,..mahaba lagi ang damit mo, parang sweater,..tapos ang palda mo halos sumayad sa lupa…kaya hindi ka nagiging kaakit-akit sa mga lalaki….” “At bakit naman kasi ako mang-aakit ng lalaki?” Napatingin ako sa kaniya,..pero ang naging sagot ko. “Kasi nga,..korni ka. Baduy ka!” sabi ko. “So what kung korni. So what kung baduy?!” “Alam mo Quirette,..hindi malayong magaya ka kay Maam Nora. Tatanda kang dalaga…” sabi ko. “Eh ano naman kung tatanda akong dalaga? At least, walang istorbong lalaki sa buhay ko. Hindi ako magbubuntis at wala akong anak na aalagaan. Solo ko ang buhay ko…” sabi niya. Hindi na lang ako umimik. Nagsisimula na naman kasi siyang bumida eh. Iyon ang pinaka-ayaw kong pagkakataon kapag nag-uusap kami ni Quirette, iyong ibida niya ang sarili niya at ang mga kakornihang plano niya sa buhay niya. Kung iimik ako, kung saan-saan nanaman mapunta ang kuwento niya. Hanggang sa mabanggit din niyang kung mag-aasawa siya someday, gusto niya ‘yung lalaking gentleman, ituturing siyang espesyal, hindi sasaktan ang damdamin niya, at bibigyan siya ng kahit simple pero tahimik na buhay. Isang lalaking ikararangal niyang maging asawa at maipagmamalaki kahit kanino. Isang lalaking magsasabi sa kaniya ng mga salitang; “Ngayon ko napatunayang duwag ako, dahil marami akong kinatatakutan. Natatakot akong matapos ang araw, dahil alam kong hindi nanaman kita makakasama pagsapit ng gabi sa aking patulog ay baka hindi ikaw ang mapaniginipan ko. Ngunit lagi akong sabik sa pagsapit ng umaga, dahil alam kong buong maghapon,..ikaw nanaman ang makakasama ko….” “Natatakot akong mawalan ng paningin, dahil hindi ko na makikita ang kagandahan mo. Ngunit kahit mabulag man ako,..sa puso ko dama ko pa rin ang kagandahan mo dahil sa bawat pagtibok nito,…ang kagandahan ng pag-ibig mo ang nararamdaman ko…” Ilang beses nang ne-ricite sa akin ni Quirette ang mga linyang ito na minemorize pa talaga niya matapos niya itong mabasa sa isang Pocket Book, kaya pati ako halos namemorize ko na rin.

PLAY>S9 Overture:Everything Is Iluminated

CLS-10

Noong sumapit ang Intrams namin, kasali si Jenny sa Miss Intrams. Tuwing rehearsal nila, kaming magbabarkada ay tumatambay sa gym dahil kahit practice pa lang ay nagso-shorts na si Jenny ng maiksi. Kahit hindi namin siya ka-team ay siya ang sinusuportahan namin sa text. Mayroon kasing Text Votes ang mga candidates. Blue Team sina Jenny. Yellow ako, Red Team sina Michael, Green sina Donald. Basta’ iba-iba kami ng team,..pero nagkaisa kaming ipanalo sa Texters Choice Award si Jenny. Tamabayan namin ang gym kapag rehearsal nila at takam na takam kami sa mapuputi niyang hita. Ako nga, kahit malayo siya ay pinipilit kong kunan siya ng picture gamit ang CP ko.Blurred na nga dahil sobrang zoom. Nasa aktong kinukan ko siya ng picture habang nasa bleacher kami nang biglang may tumapik sa balikat ko,..paglingon ko’y natakot ako nang makita ko si Jerico. Agad kong ibinulsa ang phone ko at bahagya akong nanginig dahil alam kong galit siya sa ginawa kong pagpicture sa GF niya. Tumabi pa siya sa akin at inakbayan ako pero mabigat ang pagbagsak ng bisig niya sa balikat ko. Nakatitig siya sa akin. Hindi ko siya matingnan ng diretso. “So,..talagang patay na patay kay Jenny?” tanong niya. Hindi ako sumagot. Inilabas niya ang CP niya. “Gusto mo ng pictures ni Jenny? Malinaw na pictures?..eto, ibukas mong bluetooth mo…” sabi niya. Inisip kong nanloloko lang siya kaya hindi ako kumilos. “Sige na,…open mo blue tooth mo!” ulit niya. Noon ay sinulyapan ko ang CP niya at picture nga ni Jenny ang nakita ko. “Ipapasa ko lahat ng pictures ni Jenny dito sa phone ko,…pero ipapasa mo din sa akin ang lahat ng pictures ni Quirette diyan sa phone mo…” sabi niya. “Eh walang picture si Quirette sa phone ko eh…” sabi ko. “E di…picturan mo. Saka ko na lang ibibigay sayo ang mga pictures ng pinsan ko sayo,..kapag may ipapalit ka nang picture ni Quirette…” sabi niya. Natigilan ako sa salitang ‘pinsan’ Naulit ko ‘yun. “Pinsan?” “Oo,..si Jenny, pinsan ko…” sabi niya. “Hindi nga. Hindi mo siya,..GF?” “Ulol! Pinsan ko nga eh,..bakit ko igi-GF?!” Noon kapuso ay napangiti ako saka ako nangako kay Jerico na pipicturan ko si Quirette kapalit ng mga pictures ni Jenny. “Asahan ko yan ‘tol ah!” sabi pa niya bago sila tumayo sa bleacher na kinauupuhan namin. “Oo, ‘tol…bukas!” sabi ko. Akala ko’y aalis na sila pero kinawayan niya ako’t pinapalapit sa kaniya. Tumayo nga ako at lumapit sa kaniya. Itinaboy din niya palayo ang mga kasama niya. “Usap tayo ‘tol. Usapan lalaki ito…” simula niya. “Tulungan mo ako kay Quirette,..tutulungan din kita kay Jenny….” Hindi ako nakaimik. Noon pa lang kasi ay duda na ako kung magugustuhan ako ng pinsan niya. “Ano, deal?” untag niya. “Baka malabo yan ‘tol. Hindi ako kasing-guwapo mo,..baka hindi ako magustuhan ng pinsan mo…” “Ano ka ba ‘tol,..guwapo ka! Konting porma lang,..papasa ka kay Jenny,..lalo na’t babak-apan pa kita. Akong bahala sayo,..basta’t ikaw din ang bahala sa akin kay Quirette….” “OK sige…” sabi ko kahit alanganin pa rin ako. “Usapang lalaki ‘to ah!” sabi niya saka niya kinuha ang kamay ko para sa mahigpit na alamano. “Oo ‘tol,..usapang lalaki ‘to…” sagot ko.

PLAY>S10 Face Down RJC

CLS-11 Kinagabihan, hindi ako nakaporma sa bahay nina Quirette dahil subsob sila ng Ate niya sa pag-aaral sa salas nila. Nakapatay ang TV at parang nagsusungit si Maam Nora. Ni hindi ako nakalapit sa pinto nila. Tuloy ay hindi ko siya nakuhan ng kahit isang picture lang. Pero kinabukasan, magkasabay kaming pumasok. Hawak ko na ang CP ko,..at open na ang Camera pero parang hindi ko alam kung paano ko sasabihing pipicturan ko siya. Nagmememorize siya ng mga terminologies. Exam kasi namin noon dahil pagkatapos ng exam ay intrams na. Kapag hindi siya nakatingin, itinatapat ko ang phone ko sa kaniya pero bigla siyang lilingon kaya’t kunwari ay naghahanap ako ng signal kaya’t nakataas ang phone ko. Noong malapit na kami sa school, kabado na ako dahil alam kong nag-aabang na sa akin si Jerico at hahanapin sa akin ang picture ni Quirette kaya bago kami makarating ng school ay napilitan na akong magsalita; “Quirette,..picturan nga kita…” sabi ko at bago pa siya makapagsalita ay napindot ko na ang camera. Apat na sunod-sunod yun. “Teka, aanhin mo yan Nico?” tanong niya. “Wala!” sagot ko. “Delete mo yan!” sigaw niya. “Wala. Hindi ko naman sinave…” sabi ko. “Patingin…” “Wala nga. Ang kulit mo…” sabi ko saka ko binilisan ang lakad kaya’t naiwan na siya. Tama ang hinala kong nag-aabang na nga si Jerico sa akin pero dahil nakabuntot sa akin si Quirette ay sinenyasan ko lang siya. Hindi ako dumeretso sa classroom. Sa canteen ako nagpunta at sumundo sina Jerico. “Asan yung picture?” tanong agad niya. Noon ay inopen ko ang phone ko. Hinanap ko ang picture ni Quirette at noong mabuksan ko yun ay biglang inagawa ni Jerico ang phone ko. Nakangiti siya’t ang sabi; “Sheeet! Ang ganda talaga niya!” Nasilip ko nga ang picture ni Quirette at kahit halos stolen shot ay matino pa rin ang pagkakakuha ko sa picture niya. SI Jerico mismo ang nag-bluetooth sa phone niya sa pictures ni Quirette. Apat ‘yun at pinalitan naman niya ng apat na pictures ni Jenny. Iba’t-ibang pictures ni Jenny ang ibinigay ni Jerico. May close-up at may whole body na naka-shorts ng maiksi at naka-sleeveless. Napaka-ganda talaga niya. Inggit na inggit ang mga barkada ko dahil nasa phone ko ang mga pictures ni Jenny at pinagdamutan ko sila noong may gusto ring magpa-blue tooth. Kahit sabihin nilang madamot ako, wala akong pakialam. Kahit noong pauwi na kami ni Quirette,..kunwari nagtetext ako pero ang totoo,..pinagmamasdan ko lang ang picture ni Jenny. Ang noong sumapit ang gabi,..noong nakahiga na ako sa aking kama, nagpainit ng aking dugo ang kaseksihan ni Jenny picture niyang naka-shorts lang siya. Habang titig ang aking mata sa picture niya,…hindi ko napigilan ang aking pag-alab ng damdamin,..at ang aking kamay sa paggalaw…

PLAY>S11 Sumusksusuksok [Short Only]

1 07.07.11
  1. makulyt reblogged this from deardjbono
  2. deardjbono posted this